55: New life

23 0 0
                                    

DEIN'S POV

Narito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iimpake ng mga dadalhin ko sa U.S

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung mangyari ang gulo sa Massaki. Napatay ang owner at ang Dean ng Massaki... Kaya naman pinagpasyahang isara ang Massaki...

At dahil doon, lumipat na ng eskwelahan ang mga estudyante... Nagpasya akong mag-aral sa States, para malayo sa lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa akin sa nakaraan. Gusto kong mabuhay ng normal... Ayoko nang alalahanin pa ang nakaraan... Dahil dulot lang non sa akin ay sakit...

Bumukas ang pinto at pumasok si mom. Umupo sya sa kama kaharap ako..

"Maayos na ba ang lahat ng gamit mo?" Tanong nya kaya naman tumango ako at ngumiti ng pilit

Tumitig sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Sigurado ka na ba sa pasya mo?" Tanong nya kaya naman tumango ako

"Hindi na po magbabago ang isip ko. Ayoko munang manatili sa lugar kung saan nangyari ang masasakit kong karanasan... Mas mabuting lumayo muna ako" Sabi ko

Ngumiti sya sa akin

"Diba may pupuntahan ka pa? Baka mahuli ka na" Sabi ni mom kaya tumingin ako sa wall clock.

Hindi pa naman ako huli pero tumango na ako at tumayo na. Nagpaalam na ako kay mom at umalis na.

Nakapagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at okay lang naman sila sa pasya ko. Naiintindihan daw nila ang nararamdaman ko.

Nandito na ako sa hospital kung saan naka-confine si Neil. Nabaril pala sya sa dibdib at mabuting walang internal organs na natamaan, hindi malalim ang tama nya.

Naglalakad ako sa hallway at tumigil sa tapat ng isang pinto. Nakasara ito ngunit may salamin naman para makita ang nasa loob. Huminga ako ng malalim at sumilip doon...

And there, I saw him... Sleeping peacefully... Maraming damage sa katawan nya, malala ang nangyari sa kanya...

Walang ibang tao ron sa loob kaya naisipan kong pumasok. Naoperahan na sya ngunit hanggang ngayon ay hindi parin sya nagigising. Hindi rin nya alam na aalis ako. Wala syang alam at wala akong balak ipaalam sa kanya.

This is the last time... Kaya susulitin ko na... I just want closure. At pagkatapos nito, kakalimutan ko na sya ng tuluyan at mamumuhay ako sa bago kong mundo. Kung saan wala sya.

Hinawi ko ang buhok nya. Namumuo ang luha sa mata ko pero hindi ko hinayaang tumulo iyon.

"Aalis na ako.... Ito na ang huling araw na makikita kita. Isa ka sa mga alaalang gusto ko nang kalimutan, kaya naman pagkatapos nito... Kakalimutan na kita" tumitig ako sa walang malay nyang mukha

Huminga ako ng malalim... "Paalam... Ken" Sabi ko at binitawan na ang buhok nya

Dahan dahan akong tumalikod at naglakad na palabas. Sumilip muna ako ng ilang sandali sa salamin bago ako tuluyang umalis at pumasok sa kabiliang kwarto kung nasaan si Neil.

Pagkapasok ko ay naroon si Colleen, Kim at Jin.

As usual pinapatahan parin ni Kim si Colleen sa pag-iyak...

Napatingin sila sa akin. Pinunasan ni Colleen ang luha nya at lumapit sa akin.

Niyakap nya ako ng mahigpit. "Aalis ka lang... Pero huwag mo kaming kalimutan" Sabi nya sa malungkot na tono

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon