46: Liar

21 0 0
                                    

KEN'S POV

Biyernes ngayon at nakipagkita ako kay Dein bago sya umuwi sa kanila.

Nandito kami sa bench, gustong gusto nya dito... Dahil kapag nandito daw kami, sumasariwa lahat ng alaala namin... Kahit yung masaaakit na alaala gusto nyang balikan, dahil parte daw iyon ng dahilan kung bakit mayroong kami... At ipinagpapasalamat nya iyon...

"Dein... I have to tell you something" seryosong sabi ko kaya tumingin sya sa akin

Ang alam nya ay uuwi rin ako ngayon, but I won't. Mags-stay ako rito. Dahil nga sa nalaman namin, kailangan naming magplano na agad, at kailangang pag-isipan talagang mabuti ang gagawin naming plano, dahil kung papalpak kami rito, malaki ang magiging epekto noon sa amin..

"Dahil minsan ko lang makasama si mom, gusto kong maglaan ng oras para sa kanya... Kaya sa tingin ko, hindi muna tayo makakapagkita tuwing linggo dahil gusto kong ilaan iyon para kay mom...." Fuck! Nadamay pa si mom sa kasinungalingan ko

Ayokong sabihin sa kanya ang tunay na dahilan, para na rin sa ikabubuti nya. Mas mabuting hindi nya alam, para malayo sya sa kapahamakan...

Agad syang ngumiti sa akin "mabuti naman at naglalaan ka na ng oras sa mama mo... Mabuti nga yon eh, at saka palagi naman tayong nagkikita rito sa school kaya walang problema..." Agad akong napangiti sa sinabi nya

Thanks for giving me such an understanding girlfriend!!!

"So ano, hindi ka ba sasabay sa akin? May gagawin ka pa ba?" Tanong nya kaya tumango ako

"I had a lot of shits to do" Sabi ko at tumayo na

"Ihahatid kita sa parking lot, come on idiot, let's not waste any time.. I know you miss your parents too" Sabi ko at lihim na napangiti nung hampasin nya ang likod ko

Ewan ko ba pero natutuwa akong inisin sya, may kakaibang sayang nadudulot yon sa akin...

"Tss, tara na immature brat" Sabi nya at nauna nang maglakad

Hinatid ko sya hanggang sa sasakyan nila pagkatapos ay hinintay ko silang makaalis bago ako bumalik.

DEIN'S POV

Tss kainis talaga si Ken, aalis na lang ako sasabihan pang idiot...

Naalala ko ang mga araw na magkaibigan palang kami at palagi nya akong sinasabihan ng idiot... Natawa na lang ako, those moments, every second of it is memorable....

Nandito na ako sa bahay and as usual nandito si mom at may pasyente sya... Private psychologist si mom at iilan lang ang pasyente nya, at ang mga iyon ay paniguradong galing sa marangyang pamilya, minsan dumadalaw dito ang pasyente pero kadalasan ay si mom ang kusang bumibisita sa pasyente...

Bata ang pasyente ni mom kaya natuwa ako, he's cute!!!

Nagdo-drawing ngayon ang batang lalaki at sa nakikita ko mukhang 7 years old na sya...

Hinalikan ko si mom, si dad naman ay nasa kompanya at nagta-trabaho...

"Who's he mom?" Tanong ko kay mom na nakaupo sa swivel chair, may sariling pwesto si mom sa bahay kung saan parang clinic nya ito...

May binabasa syang papel, siguro iyon ang impormasyon sa bata...

"Kurt Lewis is his name" Sabi ni mom

Agad na kumunot ang noo ko, Lewis? Posible kayang magkamag anak sila ni Ivan?

"Anong problema nya mom?" Tanong ko

Napabuntong hininga si mom "trauma... Na-trauma ito nung magpakamatay ang nanay nya sa harap nya. Pagkatapos daw non, hindi na sya makausap, palaging nagkukulong sa kwarto at gustong mapag-isa" tinignan ko si Kurt

Seryoso syang nagdo-drawing at wala man lang makikitang emosyon sa mukha nya.

"Hindi ko rin sya makausap, at ang sabi ng tatay ay palagi itong nagsasalita mag isa sa kwarto, kausap nito ang teddy bear nya na palagi nyang kasama" Sabi ni mom, ngayon ko lang napansin na may teddy bear na kaharap ng bata

Maliit lang iyon at kulay brown...

Kawawa naman sya, bakit kasi nagpakamatay ang nanay nya, at sa harap pa nya mismo...

Nandito ako sa garden namin at nagdidilig nung may makitang kotse na pumasok... Siguro ito ang guardian ng bata.... Tumigil na ang kotse at nagtaka ako nung makita si Dianne.

Naglakad na sya "Dianne!" Pagtawag ko sa kanya

Natigilan sya at napairap sabay lumapit sa akin...

"Where's Kurt? Susunduin ko na sya" mataray nyang sabi

"Nandoon sya sa loob" nung makitang aalis sya ay pinigilan ko

"Teka Dianne" inis syang lumingon sa akin "kaano ano mo si Kurt?" Tanong ko sa kanya na agad ikinakunot ng noo nya

"2nd cousin ko, bakit?!" Mataray nyang tanong

Napatango ako "matanong ko lang, magkamag anak ba sila ni Ivan? Kapatid nya ba si Ivan?" Tanong ko

"What?! No! Never! Magkaiba ang magulang nila, magka apilyido lang... it's just a coincidence! Tss... Dyan ka na nga" Sabi nya at inis na naglakad papasok sa bahay

"Nagtatanong lang naman..." Naka pout na bulong ko

*1 week later*

Linggo na ngayon at nandito ako sa tapat ng bahay nila Ken... Naisipan ko lang dumalaw dahil wala naman akong magawa sa bahay... May dala akong cassava cake...

Nag doorbell na ako at ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto..

Bumungad sa akin ang mom ni Ken. Agad akong napangiti

"Good afternoon po, naisip ko lang pong dumalaw, may dala po akong cassava cake" Sabi ko kaya ngumiti sa akin ang mom ni Ken

"Halika future daughter-in-law, pasok ka" Sabi nya kaya pumasok na ako

"Mabuti naman at napadalaw ka" Sabi nya

Umupo ako sa sofa.

"Si Ken po pala, nandito?" Tanong ko, dahil wala akong makitang bakas ni Ken dito...

Agad na napalingon sa akin si tita

"Si Ken? Bakit sakin mo hinahanap? Hindi nga yon umuuwi eh... I thought busy kaya nags-stay na lang sya doon sa school" Sabi nya kaya napakunot ang noo ko

Hindi umuuwi? Pero...

"Pero ang sabi nya date day nyo po tuwing linggo" Sabi ko na agad na ikinatawa ni tita

"Date day? Such a good joke iha... Never kaming nagkaroon ng date day, and that will never happen... I'll just nag at his bratty attitude" Sabi nya

Kung ganon... Nagsinungaling sa akin si Ken?

"Bakit naman nya iyon sinabi? Nag away ba kayo?" Tanong ni tita kaya agad akong napailing at tumawa na lang

"Baka may surprise na naman sya sakin" palusot ko kaya natawa si tita

"Oh my baby Ken..." Sabi ni tita habang umiiling iling

"Kukuha muna ako ng plate para makain natin yan..." Sabi ni tita at pumunta na sa kusina

Napatulala na lang ako... Bakit naman magsisinungaling sa akin si Ken? May tinatago ba sya?

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now