9: date

67 0 0
                                    

DEIN'S POV

Maaga akong gumising para sa date namin ni Ivan. Actually, hindi talaga iyon date.... Baka may gusto lang syang pag-usapan.

Nag-aayos ako ng sarili. Linggo na ngayon at nandito ako sa bahay namin. Si mama at papa ay parehong nasa Sala at nanonood ng tv

Naalala ko yung nangyari nung nakaraan... Si Ken, hiniling nyang huwag ko syang kagalitan at huwag kong ipakita na nasasaktan ako sa harap nya...

Hindi ko nga alam kung bakit ko sinakyan yung kagaguhan nya, para kasing totoo eh... Pagkatapos kasi ng gabing 'yon, hindi na nya ako pinansin... Ewan ko ba don sa baliw na yon!!

Iiyak iyak pa sya sakin tapos biglang hindi na mamamansin?! Kainis yung baliw na yun!!!

Huminga ako ng malalim. Simula din nung gabing yon, hindi na namin pinakialaman ang tungkol sa black magicians... At simula nung gabing yon, iba na ang iniisip ng mga kaklase namin sa aming dalawa ni Ken... Pagkatapos nila kaming makitang magkayakap non, inakala nilang kami na...

Nag-sorry pa nga si Kim sa akin dahil sya daw ang nagpumilit na pumayag ako sa alok ni Ivan na lumabas kami...

Kahit anong sabi kong hindi kami, kung ano ang pinapaniwalaan nila yun na yon...

Kasi daw, nakita nila kaming magkahawak ng kamay nung gabing naging partner kami, tapos palagi daw kaming magkatabi, tapos yung gabi daw na yon... Magkayakap kami...

Hhaaaayyy naku.. minsan nakakamiss din pala ang presensya nung baliw na yon...

At ngayon ko lang napagtanto na sya lang pala ang nag-iisang lalaking tumitingin ng diretso sa mata ko.... Wala nang iba. Pero, sa tuwing nababasa ko ang nasa isip nya, sumasakit lang ang ulo ko.. napaka gulo naman kasi ng isip nya eh.. wala kang maiintindihan...

Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam na kay mama at papa...

Nandito na ako sa grandsight park. Nakaupo lang ako sa bench at tinitignan ang mga taong dumadaan sa sidewalk. Nandito na ako sa makikita agad pero hindi pa sya dumadating

Isang oras na akong naghihintay dito pero walang nagpakitang Ivan sa akin...

Nag-alarm na nga ako at kapag tumunog iyon ay–

Ti-ni-ni-nin ti-ni-ni-nin

Aalis na ako....

Napabuntong hininga ako at tumayo na... Baka pati sya ay naniwala na kami na ni Ken kaya inindian nya ako...

Pero sana kahit nag text man lang sya... Hindi yung papaasahin nya ako... Sya nga yung nagyaya sa akin eh... Tapos sya pa ang may ganang mang Indian...

Isinakbit ko na ang sling bag ko. At napatingin sa mga taong dumadaan sa sidewalk

Napako ang tingin ko sa isang lalaking naglalakad habang magkadikit ang kilay at ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa

Nagtagpo ang paningin namin at sa isang iglap ay naghiwalay ang magkadikit nyang kilay.... Bumagal din ang paglalakad nya habang nakatingin sa akin...

Si Ken...

Umiwas sya ng tingin. Unti unti na syang lumalapit sa akin kasabay ng iba pang naglalakad.

Nasa tapat ko na sya at akala ko ay titigil sya pero hindi, nilagpasan nya lang ako...

"Ahhh.... K-ken!" Tawag ko sa kanya

Tumigil sya sa paglalakad pero hindi tumingin sa akin.. aktong aalis na sya pero hinabol ko sya at hinawakan sa braso

"Ken, huwag ka namang umiwas oh..." Sabi ko sa kanya

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now