33: This is war

25 1 0
                                    

DEIN'S POV

Nagsitayuan na kami. Tinignan ko si Jirou at tinanguan sya kaya naman tumango sya at sa isang iglap lang ay nawala na sya sa paningin ko.

"Kim, Colleen, pumunta na kayo sa office ng Dean" Sabi ko sa kanila

May pag-aalinlangan sa mukha ni Kim kaya nilapitan ko sya at hinawakan ang kamay

"Kaya mo 'yan, naniniwala ako sa'yo" Sabi ko kaya naman dahan dahan syang tumango

Nilapitan sya ni Jin kaya umalis na ako, napatignin ako kay Colleen na kausap ni Neil....

Bigla kong naisip si Ken... Papunta na kami dyan Ken, maililigtas ka na namin.....

Agad kong pinunasan yung pisngi ko nung maramdaman may mainit na likidong tumulo mula sa mata ko.....

Umalis na sina Kim at Colleen. Ilang sandali lang ay nandito na ulit si Jirou dala ang mga baril na kakailanganin namin....

Magaling, naaayon ang lahat sa plano...

Nag kanya kanya na kaming kuha ng baril at kinasa ito... May dinala rin si Jirou na mga magazines na puno ng bala....

Nagkanya kanya kaming kasa at nagtinginan sa isa't isa....

Tumango ako sa kanilang lahat

"Tayo na!" Sabi ko at naunang lumabas ng dorm

Patuloy lang kaming naglalakad patungong science lab. Sa ngayon wala pa ang tulong na kailangan namin mula sa Dean. Sana lang ay magtagumpay sina Kim at Colleen sa pagkumbinsi sa Dean.

Napatigil ako nung makitang may humarang sa dinadaanan namin..... Kasing dami rin namin sila

"Trying to be a hero huh..." Sabi nung babae sa harap

"Kasapi ba kayo ng black magicians?!" Sigaw na tanong ni Neil

Hindi pwede, paano nila nalaman?

"Patahimikin sila!!" Sigaw nung babae kaya agad na tumakbo palapit sa amin yung mga kasama nya

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dapat ko bang kalabitin ang gatilyo ng baril ko... Alam kong kapag kinalabit ko ito, may isang buhay ang masisira....

Napapikit ako nung makarinig ng sunod sunod na putok ng baril....

Bahala na!!! Sumira kayo ng buhay kaya buhay nyo rin ang kabayaran!!!

Agad kong minulat ang mata ko at walang awang kinalabit ang gatilyo ng baril ko.... Sa bawat pagkalabit ay syang pagtumba ng mga kalaban namin....

Nakalapit na ang iba. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at halatang susuntukin nya ako ng malakas. Agad akong yumuko upang makaiwas at agad na tumayo upang barilin sya...

Naramdaman kong may kalaban sa likod ko at pagharap ko ay nasuntok nya ako sa panga.... Napayuko ako sa sakit at medyo nahilo, good thing babae sya, Kung lalaki siguro sya ay wala na akong malay ngayon.

Agad akong nakabawi at iniwasan ang susunod nya pang suntok at pinaputukan sya ng baril.

"Dein! Sa likod mo!!!" Sigaw ni Jirou at bigla akong nakarinig ng putok ng baril

Walang dalang baril ang mga kalaban namin kaya naman alam kong kakampi yung nagpaputok non, napatingin ako sa kung saan iyon nanggaling at nakita ko si Neil na inihipan pa ang baril nya

Napangiti ako, "salamat" Sabi ko sa kanya

"Hindi ko naman hahayaang magdusa ang kaibigan ko kapag nawala ka...." Sabi nya at alam kong si Ken ang tinutukoy nyang kaibigan....

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now