3: Combat training

119 3 0
                                    

DEIN'S POV

Naka PE kami ngayon at nandito kami sa training area. Isang malawak na espasyo para sa mga nag-aaral ng military. May mga obstacle course, may isang room para sa mag-aaral kung paano humawak ng baril at kung ano ano pa..

Nasa harap namin si Mr. Williams at nagsasalita sya

"Isa isa kayong lalaban sa akin at ipapakita kung paano ba talaga gumagana ang magic nyo at kung paano nyo ito magagamit sa pakikipaglaban" Sabi nya

Si Mr. Williams ang teacher na direct to the point, ayaw nya nung paligoy ligoy pa.

Unang lumaban sa kanya ay si Ivan... Ang weather manipulator

"Lumaban ka ng buong lakas at wag mong isiping ako ang teacher mo" Sabi ni Mr. Williams kaya tumango si Ivan

Biglang bumukas ang bubong ng training room kaya nagulat ako

"You can start now" Sabi ni Mr. Williams

Itinaas ni Ivan ang dalawa nyang kamay nya at biglang umulan ng malakas at nagkaroon pa ng kulog at kidlat. Nagulat kaming lahat pero hindi kami umalis sa pwesto namin

Itinapat nya ang kanang kamay nya kay Mr. Williams habang ang kaliwa ay nakatapat sa langit at nagulat ako nung biglang kumidlat sa pwesto ni Mr. Williams

We all gasped pero nung nawala ang kidlat ay nawala din si Mr. Williams, nagulat na lang ako nung nasa likod na sya ni Ivan at lumilipad sya. Huminga sya ng malalim at bumuga ng apoy?!

Naiwasan ito ni Ivan gamit ang paggulong nya palayo at itinapat nya ulit ang kamay nya kay sir pero nakaiwas ito.

So gumagana ang magic nya kapag itinatapat nya ang kamay nya sa langit at kapag tinanggal nya ay babalik sa dati...

"Gggrrrrr!!!" Napatingin ako sa katabi ko at nagulat ako nung makitang si Ken ito and his gritting his teeth!!!

Galit na galit sya sa nakikita nya

"Ganyan talaga ang isang 'yan, palagi syang galit lalo na kung may ginagawang nakakahanga ang tao sa paligid nya. Ayaw nya kasi ng nalalamangan" Sabi nung nasa kanan ko, si Neil

Nakita kong magkasama nga sila sa party, so magkaibigan sila....

Grabe naman pala ang ugali nitong si Ken

Namalayan ko na lang na tapos na pala ang laban nila at bumalik na sa dati ang panahon.

"I'll go next!" Galit na Sabi ni Ken

Napailing na lang ako..

Magkatapat na sila ni sir ngayon at nagulat na lang ako nung bigla syang tumakbo palapit kay sir at papasabugan nya sana pero nakalipad si sir..

Nagulat ako nung binaba nya ang dalawa nyang kamay at nagpasabog sya at bigla na lang syang umangat! Lumilipad sya gamit ang pagpapasabog nya... Parang rocket lang...

Hinahabol nya si sir at pinapasabugan ng malakas... Sineryoso talaga nya yung sinabi ni sir kanina

Natapos ang laban nila ng hindi ko alam kung anong nangyayari dahil magpapasabog si Ken at mapapalibutan sila ng makapal na usok tapos bubuga ng apoy si sir at sabog at apoy at–aaarrrggghhh

Sumunod na nakipaglaban ay si Dianne, the lava girl

Naglaban sila at ngayon ko lang napansin na may sugat si sir sa pisngi, is it because of Ken? God! He really has no mercy!

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now