53: Blitz

24 0 0
                                    

KEN'S POV

1:15 AM

Nakapalibot na kaming lahat dito sa labas ng office ng Dean... Pagkatapos ay may nagbukas ng pinto... Sumilip si Noah..

"Clear" sambit nya

Agad kaming nagsipasok sa pangunguna ko... Wala ni-isa ang narito sa loob... Pero may isang pinto roon kung nasaan nakatayo si Noah...

"Nandito na ang secret prostitution... Marami nang bantay dito" Sabi nya

Huminga ako ng malalim... Ito na... Ito na ang simula ng gulo.

I'm doing this for you Dein... Wait for me....

Binuksan ko ang pinto at library ang bumungad sa akin... Nakabisado na namin ang lugar na ito... Sa dulo ay may sikretong pinto na magpupunta sayo doon sa sikreto nila...

Mabilis ang mga hakbang ko.. every seconds matter, kaya wala dapat sayangin.

Nasa dulo na ako ng library... I pulled the secret book... Ito ang magbubukas sa bahagi ng shelve na narito...

Magaling silang magtago... Pero hindi lahat ng estudyante rito ay tanga...

Bumukas na ang shelf at isang madilim na pasilyo ang bumungad sa akin... Sa dulo ay may black na kurtina, at malamang na sa dulo niyon ay may mga bantay na...

"Let's go!" Sabi ko at tumakbo palapit doon

Napatigil ako nung may lumabas na armadong lalaki... Nagulat sya nung makita kami at agad na bumunot ng baril, may sinabi sya sa walkie-talkie na dala nya...

Napangisi na lang ako... This is it!!!

"Fire out!!!" Sigaw ko at agad na pinaputukan ang lalaki sa harap namin...

Agad syang napatumba at dahil sa ingay na nagawa ng baril ko ay nagsilabasan na ang mga bantay...

Nandito pa lang kami pero ang dami nang kalaban...

Pero para kay Dein! Hindi ako matitinag!

Nakakarinig na ako ng mga tili at sigawan sa loob kasabay ang pagputok ng baril namin...

Nakalapit na kami sa kalaban... Kahit may mga baril sila ay hindi kami natatakot, ang mahalaga ay makapasok kami sa loob..

Diretso lang ang lakad ko habang putok lang ng putok ang baril ko.

Itinutok ko sa ulo ng kalaban ang baril at walang sabi sabing ipinutok iyon... Nakita ko ang isa pa na itinutok sa akin ang baril kaya agad akong yumuko at pinaputukan sya...

Hanggang sa makarating ako sa dulo ay hindi tumigil sa pagputok ang baril ko...

Natapos ang kalaban... May ibang nasugatan sa amin ngunit wala lang iyon sa kanila.... Sanay sila sa gulo kaya hindi nakapagtatakang wala lang sa kanila kapag natatamaan ng bala...

Yung iba namang may matinding tama ay ginagamot ni Gio.

Pagkabukas ko ng kurtina ay natigilan ako sa bumungad sa akin....

"Fuck!" Sabi ko at agad na gumulong patungo sa isang lamesa upang magtago...

Isang katerbang mga armado ang narito at naghihintay lang pala sa amin...

Nakasandal ako dito sa kahoy na lamesa at nasa tabi ko si Neil...

"Ang dami nila!! Hindi natin sila kayang talunin!!" Sigaw sa akin ni Neil dahil sunod sunod na ang putukan rito

Tinignan ko sya at nginisian "we have a magic! Wala silang laban sa atin!!" Sabi ko at ikinuyom ang kamao ko

Get ready for a blasting sound!

Massaki University Series#1: school for magicМесто, где живут истории. Откройте их для себя