27: Forgiven

39 0 0
                                    

DEIN'S POV

Sabado ngayon at nandito ako sa bahay... Nakaupo ako sa couch habang kumakain ng snacks at nanonood ng tv.

Biglang may kumatok sa pinto kaya napatingin ako dito... Tumayo ako

"Manang ako na po" Sabi ko sa maid namin na may katandaan na

binuksan ko ang pinto, napatingin ako sa isang batang may dalang isang red rose. Nanlaki ang mata ko....

"Nathan?!" Gulat na sigaw ko

Napatingin ako sa lalaking nasa likod nya, simula sa paa ay pataas ng pataas ang tingin ko sa kanya, at nung nakita ko na ang mukha nya ay agad na nasira ang araw ko....

May dala syang bouquet of red roses habang buo ang ngiting nakatingin sa akin

"Gusto mo bang sumama sa amin ni Nathan sa mall?" Nakangiting tanong ng lalaking iyon, si Ken...

"Anong ginagawa mo dito?!" Inis na sigaw ko sa kanya

Nawala ang ngiti nya dahil doon

"Edi 'wag, kung ayaw mo aalis na lang kami" Sabi nya at hinawakan si Nathan sa kamay

"T-teka!" Pagpigil ko sa kanila



Kaya ngayon ay nauto ako ni Ken na sumama sa kanila, kasama namin si baby Nathan at nandito ulit kami sa mall kung saan kami unang nagkita ni Nathan...

Una kaming pumunta sa children's place kasi ang sabi ni Ken ay pinayagan sya ng mom ni Nathan na mag baby sit. Alam na nya kung nasaan ang bahay nila Nathan at hindi ko alam kung paano nya iyon nagawa.. 

Si Nathan lang ang pinapansin ko at hindi ko na kinakausap si Ken. Bahala sya dyan...

"Baby Nathan!!!" Nandito kami sa pool of balls at naglalaro kami ni Nathan habang si Ken ay nakaupo lang sa gilid at nanonood sa amin

"I want to play with kuya Ken also" Sabi nya at tinignan si Ken

Napalingon rin ako sa kanya at nakita ko syang nakatungo ngayon habang nilalaro laro yung mga bolang malapit sa kanya

"He seemed so lonely, he doesn't have anyone to play with rather than us" Sabi ni Nathan....

Parang nananadya itong si Nathan ah... Sinasadya nya bang makonsensya ako para makipaglaro kay Ken? Of course not Dein!! Don't blame him kung nakokonsensya ka dahil first of all bata sya at pangalawa ikaw naman talaga ang may kasalanan!

Napaikot na lang ang mata ko

"Laro daw tayo!" Masungit na Sabi ko kay Ken

Lumapit kami ni Nathan sa kanya. Unti unti naman syang napangiti at nakipag hi five kay Nathan. Napakunot ang noo ko....

Magkakampi na sila ngayon?!

Nandito kami ni Nathan sa slide dahil gusto ni Nathan na mag slide. Nakaabang naman si Ken sa amin sa baba. Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang mga pwedeng mangyari... Iniling iling ko na lang ang ulo ko.

Walang mangyayari Dein!

Nagpadulas na kami ni Nathan at yun na nga!!! Nandoon na naman sya sa dulo just like before.... At alam kong kapag wala akong ginawa ay mangyayri na naman iyon!!! No way!!

Nung malapit na kami ay nataranta na ako dahil hindi pa ako nakakapag isip....

"Ken tabi!!!" Sigaw ko pero hindi talaga sya umalis kaya wala na akong choice kundi.....

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now