34: the battle never stops

22 0 0
                                    

DEIN'S POV

Hindi maalis ang tingin ko kay Kim at Neil na nakahandusay sa sahig at walang malay.... Parang nag slow mo ang paligid at sa kabila ng gulo ay heto ako at nakatulala sa katawan ng mga kaibigan ko....

Nakita ko pang lumapit si Jin at Nicole sa kanila.

Napaupo na lang ako. Kasalanan ko 'to.... Ako ang nagsimula nito.... Hinikayat ko silang gawin ito at ngayon napahamak sila ng dahil sakin....

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang gulong sinimulan ko... lahat sila nagpapatayan ng dahil sa akin.... Kahit ako ay nagawang makapatay at sumira ng buhay...

Anong nagawa ko?! Paano ito humantong sa ganito?!!!

Nabalik ako sa ulirat nung may humila sa akin patayo....

"Hindi ngayon ang panahon para maging mahina! You made us do this! Kaya masasayang lang ang buhay naming inaalay para dito kung susuko ka lang!" Napatingin ako sa mata ni Jirou na matiim na nakatingin sa akin

"Tara na!" Sabi ni Jirou at ngayon ko lang napansin na hawak rin nya si Lara at sa isang iglap ay bigla kaming napunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saan

"Where are we?" Tanong ni Lara kay Jirou

"Shhhh!" Sabi ni Jirou at inalis ang pagkakahawak sa amin

Madilim dito at tahimik, para kaming nasa ilalim ng lupa at napaka dim ng ilaw. Isang simpleng rectangle pathway lang ito na napapalibutan ng metal. Walang ibang makikita kung hindi ang apat na sides nitong mahabang pathway na ito... Para kaming pumasok sa rectangle na tunnel na gawa sa metal...

"I knew this place.... Narinig ko na ito minsan kay Kaila... Ang sabi nya ay mayroong sikretong daan sa science laboratory... Hindi ko alam na ito pala ang sinasabi nyang sikretong daan..." Sabi ni Jirou

Pansin ko ngang palagi nyang kasama si Kaila... Magkaibigan yata sila. 

Patuloy lang kaming naglakad. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kay Kim at Neil, at sa kaguluhang nangyayari sa labas.... Ano na kayang kalagayan nila?

Ako ang naglagay sa kanila sa Kung nasaan sila ngayon.... Pero tama si Jirou, kung susuko ako ngayon.... Masasayang lang ang sakripisyo ng lahat.... Hindi dapat ako panghinaan ng loob... Alam kong buhay pa silang dalawa, naniniwala akong lumalaban sila...

Tumigil si Jirou sa paglalakad na syang nasa unahan namin. Ngayon ko lang napansin na nasa dulo na pala kami at ang tanging nakikita ko na lang ngayon ay ang malaking pinto na gawa sa metal....

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Alam kong sa kabila ng pintong iyan ay matatagpuan ko na ang hinahanap ko at malalaman ko na ang katotohanan.... Kung buhay pa ba sya at lumalaban.....

Agad na nanlaki ang mata ko nung biglang bumukas ang pinto, gumawa ito ng ingay at sa isang iglap bigla na lang akong nakaramdam ng taong humila sa akin papasok.

"Bitawan mo ako!!" Sigaw ko

Binitawan nga nya ako pero isinalampak nya naman ako sa sahig. Lalaki Ang humila sa akin papasok at hindi ko alam kung sino sya.... Madilim dito sa loob at tanging ang liwanag ng buwan mula sa bintana lang ang nagsisilbing ilaw ng apat na sulok na kwartong ito...

"Dein!" Napatingin ako sa lalaking nakatali sa upuan. Nakasentro sa kanya ang liwanag ng buwan kaya kitang kita ko ang mga sugat at dugo nyang nagkalat na sa damit nya at sa sahig....

Agad na nanubig ang mata ko at dali daling tumayo upang mayakap sya.

"Ken!!" Sigaw ko, halo halo na ang nararamdaman ko ngayong nakita ko na sya. Pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon, ang mayakap sya....

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now