14: rest day

61 0 0
                                    

KEN'S POV

Maaga akong nagising kagaya ng dati... Ako ang laging una magising sa kanilang lahat.

Rest day namin ngayon at wala kaming pasok. Ipinagpaalam na kami ni Sir sa dean ng school na ito. Kaya exempted na kami sa araw na ito.

Lumabas na ako ng pinto at nilingon ang kwarto ni Dein. Malamang na tulog pa sya...

Alam kong hindi pa sya ayos ngayon at kailangan nya pa ng pahinga...

Agad akong dumiretso sa kusina at binuksan ang ref. Kumuha ako ng mga itlog at nagsimulang magluto

DEIN'S POV

nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko

Unti unti kong iminulat ang mata ko at nakita si Ken na may hawak na pagkain na nakalagay sa bed tray

"Tumayo ka na dyan, kailangan mong kumain para lumakas ka" masungit na sabi nya

Inamoy ko ang mga pagkain at agad akong ginutom dahil sa bango ng amoy nito. Umupo ako at inilagay na nya ang bed tray sa higaan ko

"Ang bango naman nito! Sinong nagluto?" Tanong ko

"Sino pa ba edi ako!!!" Sigaw nya sa akin kaya gulat akong napatingin sa kanya

Seriously? Sya? Marunong syang–

"What's with that stare?!!! Ano bang akala mo? Hindi ako magaling magluto? I've red a lot of books about anything, including books about cooking!!!! So don't underestimate me!!!" Sabi nya

Hindi na lang ako nagsalita pa... Masyado naman syang maraming alam...

"Teka, puro naman itlog 'to..." Sabi ko

"K-kasi... Yan na lang ang nasa ref!!!" Sigaw nya

"Talaga ba? O books about different ways to cook eggs lang ang nabasa mo?" tanong ko

"What are you talking about idiot?!!!" Sigaw nya at biglang umupo sa tabi ko

Kinuha nya ang kutsara at kumuha ng omelette rice

"Ahh!" Masungit na sabi nya

Napa-pout na lang ako, ganyan din kaya sya sa magiging anak nya?!! Tsss!!

Ngumanga na lang ako at sinubuan na nya ako.

"Teka, bakit mo ba 'to ginagawa?" Tanong ko sa kanya

Bakit nga ba? Bakit ba nya ako nilutuan? Baka mamaya gusto na akong lasunin ng isang 'to eh!!!

"Sa nangyari sayo kahapon, kailangan mo talaga 'to" Sabi nya

"Kung makapagsalita ka parang wala ding nangyari sayo ah... Wag ka ngang mag mayabang dyan, kailangan mo ding alagaan, akala mo kung sinong malakas.... Kumain ka na ba?" Tanong ko

Hindi sya nakasagot kaya alam kong hindi pa sya kumakain... Ang taas talaga ng pride nitong isang 'to! Kailangan rin nga nyang magpalakas eh...

"So pumunta ka lang dito para magalit at magpataas ng pride? Baliw ka talaga!" Sabi ko at inagaw ang kutsara sa kamay nya at kumuha ng omelette rice

"Oh, ahhh" Sabi ko sa kanya

"No!!! I don't share an indirect kiss with any–bbbbbbb" isinubo ko na sa kanya yung kutsara bago pa nya maituloy ang sasabihin nya

Massaki University Series#1: school for magicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt