44: Missing

20 0 0
                                    

DEIN'S POV

Nandito kami sa hapag kainan ng mga kaklase ko. Nag-aalmusal kami ngayon.

"Nasan si Gedy?" Tanong ng kaklase naming si Lexelle

Si Gedy ang president namin.

"Ewan... Wala rin sya sa kwarto nya eh" Sabi naman ng kaibigan nitong si Joanna

"Baka may inaasikaso sya, president natin sya eh" Sabi ni Kim

Nagtanguan ang lahat at nagpatuloy sa pagkain.

Nandito na kami sa room, wala pa ang professor namin na si Mrs. Smith

"Bakit wala pa si Gedy? Palagi syang nauuna sa atin ah...." Sabi ni Kim

"Baka naman pintawag ni Mrs. Smith kaya wala pa sila dito" Sabi ni Colleen

Nagsimula na ang klase at dumating na si Mrs. Smith nang wala si Gedy, sinimulan namin ang klase na absent si Gedy. Nagsisimula na akong magduda kung nasaan si Gedy...

Nandito kami ni Ken sa cafeteria, sina Colleen at Kim dapat ang kasama ko pero may importante akong sasabihin kay Ken.

"Ken.... Ayokong isipin ito pero, parang may nawawala kaming kaklase..." Agad na napatingin sa akin si Ken dahil sa sinabi ko

"Kasi kaninang umaga pa sya wala, tapos absent rin sya ngayon... Huli ko syang nakita kagabi dahil hinahanap nya yung mga kaklase naming nasa labas kahit malapit nang mag curfew" Sabi ko,tahimik lang si Ken at halatang may malalim syang iniisip....

"May aasikasuhin pa pala ako... Mauuna na ako" Sabi ni Ken at hinalikan ako sa ulo pagkatapos at umalis na sya

Napabuntong hininga na lang ako.

KEN'S POV

I pulled out my phone and called Brandon, member of black magicians and good at computers...

"I need you to send me the blue print of our school" I said as he answer the phone and I  immediately hanged it up

Kumikilos na naman ang black magicians... Hindi namin ito pwedeng hayaan... Kailangan na naming kumilos...

Pumunta ako sa hide out at iti-next and lahat ng kasapi na magpunta rin dito.

Ilang sandali lang ay nandito na sila sa pangunguna ni Ivan, Jack at Neil.

"Anong nangyari? Bakit biglang nagkaroon ng emergency meeting?" Tanong ni Neil

Hinintay ko silang makaupong lahat, tinapunan ko ng tingin ang lahat ng kasapi ng balck magicians, lahat sila mukhang basagulero at basagulera, halatang away lang ang hangad nila...

Nakaupo na sila sa mga sirang upuan at kanya kanya sila ng upo. Inilibot ko ang paningin at nakita kong para kaming mga gangster at ito ang tambayan namin, at ako ang leader nila....

Bumuntong hininga ako

"Nagsisimula na ang mga kalaban. Kanina may nasagap akong balita na may nawawala raw na babae ngayon" Sabi ko, naging seryoso ang mga mukha nila

"Anong gagawin natin ngayon? Sasabak na ba tayo sa gulo?" Halata ang excitement sa mukha ni Josh, isa sa mga kasapi. Nakabukas ang polo nya at may itim na damit sa loob tapos ay may kwintas syang suot... Ang necktie nya ay nakasuot sa ulo nya. Tinatangay rin ng hangin ang buhok nya. Ang magic nya ay Telekinesis, kaya nyang magpagalaw ng mga bagay gamit ang isip nya.

"Hindi pa... Kailangan nating magplano dahil hindi basta basta ang kalaban natin" Sabi ko

"Brandon nai-send mo na ba ang blue print ng school?" Tanong ko na tinanguan nya, simple lang ang ayos nya at may salamin sya, hindi mahahalata na kasapi sya ng black magicians, pero makikita sa mata nya na marami syang sikreto kaya mysterious ang dating nya. Bagsak ang buhok nya na bahagyang tumatabon sa mata nya... Ang magic naman nya ay computerized mind, para syang robot na maraming alam lalo na sa mga gadgets... He's good at hacking...

"Blue print? Para saan iyon?" Tanong ni Ivan

"Kung may ginagawa silang masama malamang na may hideout rin sila, at kailangan nating malaman kung saan iyon" Sabi ko

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang sinend ni Brandon na blue print...

"Shann..." Pagtawag ko sa babaeng kasapi ng black magicians. Naka braid sya na dalawahan at may black na choker sa leeg.

Agad syang lumapit sa akin kaya ipinakita ko sa kanya ang blue print, agad na nagkaroon ng red na ilaw sa mata nya na nag-scan sa phone ko, pagkatapos ay tumingin sya sa taas at agad na nag project ang blue print ng school sa hangin. At iyon ang magic nya.

Nakita naming lahat ang blue print, malaki ang school at maraming maaaring maging hideout pero napako ang tingin ko sa office ng Dean. Nakasagad iyon sa pader na bakod ng school...

Agad na napakunot ang noo ko dahil doon... Izinoom ko iyon para makita nilang lahat..

"Tignan nyo, sa lahat ng structure dito ay ito lang ang nakasagad sa pader... Nakakapagtakang nakasagad iyan at wala man lang space kahit isang dangkal..." Sabi ko

"Ano yon kinulang sa budget kaya dinikit na lang sa bakod?" Tanong ni Neil...

Agad akong umiling... "Sa tingin ko ay may karugtong pa ang office sa likod ng bakod na iyan..." Sabi ko

"Pero kung may karugtong iyan, bakit hindi kasama dito sa blue print?" Tanong ni Shann

"Dahil may tinatago sila..." Sabi ni Jack na sinang ayunan naming lahat

"Pero kailangan muna nating masiguro na may karugtong nga iyan... Liam, kumuha ka ng drone shot ng office at tignan mo kung may karugtong pa nga iyon sa likod ng pader..." Sabi ko kay Liam na isang aeronautical engineering student.

Matangkad sya, maputi at semi kalbo ang gupit, may uka rin sya sa kilay nya. Ang magic nya ay brainwashing...

Agad syang tumango sa sinabi ko.

"Bumalik kayo rito mamaya at itutuloy natin ang pag-uusap... Sa ngayon bumalik muna kayo sa klase para walang makahalata" Sabi ko at tinignan ko ang relo ko, malapit nang matapos ang break...

"Noah, gusto kong mag imbestiga ka sa office ng Dean at alamin mo ang nangyayari doon..." Sabi ko kay Noah kaya tumango sya.

Sakto lang ang height nya at mahaba ang buhok nya na tinatali nya. He can transform into a wind kaya sya ang napili kong mag espiya, para ligtas at walang makakahalata...

Nagsi-alisan na sila at natira na lang si Neil...

"Nararamdaman kong malapit na tayong lumusob... Hindi kaya dapat mo na itong sabihin kay Dein?" Sabi ni Neil sa akin

Agad akong umiling sa kanya.

"Ken kailangan na nya itong malaman, para maging aware sya at makapag ingat sila..." Sabi nya kaya agad ko syang tinignan

"Walang ibang makaka alam nito kundi tayo lang at ang mga kasapi ng black magicians... Maliwanag ba?" Tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at tumango

Umalis na ako doon at iniwan sya.

Kilala ko si Dein, once na malaman nya ang tungkol dito, alam kong hindi lang sya uupo sa tabi. Pipilitin nyang sumama sa grupo o kaya naman ay gagawa sya ng sarili nyang grupo. Kilalang kilala ko na sya at hindi ko hahayaang gawin nya iyon. Nangako ako sa magulang nya na poprotektahan ko sya at hindi ko iyon babaliin kailanman...

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon