41: New Generation

17 0 0
                                    

Someone's POV

Nandito ako ngayon sa room namin habang nagdi-discuss ang professor namin sa harap.

Pinagmamasdan ko lang ang mga taong binigyan ko ng letter na sumapi sa black magicians. Naka-krus ang mga braso ko at hindi nakikinig sa guro.

Ngayon ako naman ang pinuno ng dating grupong sinusumpa ko. Nagkamali nga ako, hindi nga sila ang tunay na kalaban.

Mayroon pa palang mas malalang kalaban, at sila pa yung mga taong hinding hindi ko inaasahang magiging kalaban...

Tapos na ang klase at ngayon ay nandito na ako sa secret hideout ng black magicians. Pagkatapos nung nangyaring gulo noon, pinagpasyahan kong ibahin ang secret hideout namin, at ang napili ko ay ang rooftop ng building ng Military. Walang nagpupunta dito kaya naman ito ang napili kong hideout namin.

Kasama ko na ngayon yung mga taong inimbitahan kong sumapi sa black magicians. Kasama doon sina Ivan, Jack at Neil, at marami pang iba na interesadong sumali.

Ngayong mayroon na akong grupo, maisasakatuparan ko na ang plano ni Mr. Williams, na pabagsakin ang mga tunay na kalaban.

DEIN'S POV

Nandito ako sa memorable bench namin ni Ken. Alam nyo na kung saan yon. Maraming nangyari sa bench na ito. Kaya masasabi naming ito ang bench namin...

Hinihintay ko si Ken dahil ang sabi nya ay magkita raw kami dito. Kanina pa ako nandito ngunit wala parin sya. Gabi na ngayon at malapit nang mag curfew.

Sana dumating na sya... Kapag nag curfew na wala na akong magagwa kundi ang umuwi...

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa phone ko at nagbabasa ng mga compliments from my fans... Nire-reply-an ko sila at nagpapasalamat sa pagmamahal at suporta na binibigay nila sa akin. Parte na sila ng buhay ko at kasama na sila sa mga nagmo-motivate sa akin na makapag tapos ng pag-aaral at matupad ang pangarap.

Pero syempre hindi maiiwasan ang mga bashers. Kapag nakakabasa ako ng masamang comment nilalagpasan ko na lang. Dapat sanayin ko na ang sarili ko dahil hindi talaga mawawala iyan, palagi lang silang nandyan.

At hindi ko dapat sila pinagtutuunan ng pansin dahil wala naman silang maia-ambag na maganda sa buhay ko...

In life you have to add positive, and subtract the negative, multiply the happiness and divide the love to share to others...

We should spread love, not hate...

Dahil sa paghihintay kay Ken ay dinalaw ako ng antok. Hindi ko namalayang unti unti na palang sumusuko ang mata ko at tuluyan na akong nakatulog.

KEN'S POV

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa bench namin ni Dein. Hindi ko na namalayan ang oras, naging busy kasi ako.... 5 minutes na lang bago mag curfew kaya binibilisan ko na.

Baka galit na yon ngayon... Fuck!

Nakarating ako sa bench at nakita ko ang natutulog na si Dein. Nakahilig ang ulo nya sa sandalan ng bench.

Fuck! Baka nakagat na sya ng lamok dito! O kaya baka lamig na lamig na sya! Fuck! Bakit ba napaka iresponsable ko!

Agad akong tumabi sa kanya at hinaplos ang pisngi nya, malamig na iyon kaya naman agad akong nag-alala.

"Dein..." Sinubukan ko syang gisingin pero tulog na tulog sya...

Hindi ako pwedeng pumasok sa dorm nila kaya paano ko sya maihahatid doon? Ano kaya kung buhatin ko sya tapos ipabuhat ko na lang sya sa ibang lalaki para makapasok sya– fuck! There's no way in hell I'm going to do that!

There's only one thing.... Doon na lang sya sa dorm namin...

Sigurado akong walang makaka-angal doon dahil ako si Ken! Sabog agad ang magreklamo!

Maingat ko syang binuhat at dinala na sa dorm namin. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nya....

So gorgeous... In and out...

"I love you Dein..." Sabi ko sa anghel na natutulog sa bisig ko

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now