19: Victory ball

37 0 0
                                    

DEIN'S POV

Kakapanalo lang ng Massaki university at two days after (ngayon) ay mayroong victory ball. Ginaganap ang victory ball kapag nananalo ang school sa dance drama at sa iba pang contest... Minsan naman, Kung walang panalo ay sine-celebrate na lang ang victories na natanggap na ng school at sa matatanggap pa lang...

Sa madaling salita, magpaparty kami ngayong gabi!!!!

Biyernes na ngayon ng gabi. Naghahanda na ako sa party. Naririnig ko na ang tugtog na nagmumula sa hall. Magpaparty lang kami buong magdamag...

Nakaharap ako sa salamin at naglalagay ng hikaw nung biglang may pumasok sa kwarto ko. Nakita ko sa salamin na si Kim ito at si Colleen.

"Excited na ba kayo guys?!!!" Excited na excited na sabi ni Kim

"Oo pero gusto ko lang malaman, kumusta naman kayo ni Jin? Hinalikan ka nya, anong pakiramdam non?" Tanong ni Colleen na parang inaasar si Kim

Agad namang napaupo si Kim sa kama at napatili. Ang sakit sa tenga ng tili ni Kim, parang pusa talaga...

"Guys ano nang gagawin ko?! Ang awkward ng pakiramdam at feeling ko hindi lang yon in character, parang he mean it talaga!!!" Tili ni Kim

"Well, congrats, mukhang may magbabago ng status ngayong taon ah..." Sabi ni Colleen

"What?! No!! I don't like him!!! Well,it's not that I really don't like him but–" pinutol ko yung sinasabi ni Kim

"Tama na yung explanation... Just let it flow... Sumabay ka na lang sa agos... Huwag mo nang subukang lumaban sa agos ng pag-ibig... Dahil kahit anong gawin mo, wala kang laban kapag pag-ibig na ang kumilos" Sabi ko at tumayo na

"Let's just dance the night away!!!!" Sigaw ko at nakisigaw na lang din sila sa akin







Nandito na kami sa party at malakas ang tugtog ng bandang nasa stage. Maraming sumasayaw sa gitna kagaya ni Colleen at ni Kim pero meron din namang nakaupo lang at ako naman ay nandito at kumakain.

Kanina ko pa tinatarget yung brownies and marshmallows with chocolate syrup... And sarap kasi...

"Hindi ka ba makikisayaw sa mga kaibigan mo?" Tanong ni Ivan na bigla na lang sumulpot sa tabi ko

"Pagod na ako kakasayaw kanina... Kaya heto kumakain na ako" Sabi ko

Kanina pa nagsimula yung party at kanina pa rin kami nandito, infact 1:00 am na nga pero buhay na buhay parin ang party.

"Hindi pwede yan... Minsan lang 'to kaya sulitin na natin" Sabi ni Ivan

Mas lumapit sya sa akin at naamoy ko na amoy alak sya. Pero, paano sya nakainom? Walang alak dito ah...

"Ivan, sabihin mo, sinong kasama mong magpuslit ng alak ha?!" Galit na bulong ko sa kanya

"Alak? Anong alak? Ano ka ba... Hindi pwedeng uminom ng alak dito.." Sabi nya

"Tara sayaw na lang tayo" Sabi nya at hinila ako pero hindi ako pumayag

Humanda talaga sakin yung pumuslit ng alak dito!

"Ivan, tara lasing ka na... Dadalhin na kita sa dorm para makapagpahinga–" pinutol nya ang sasabihin ko

"Ano bang pinag-sasasabi mo dyan? Hindi nga ako lasing, at saka, ang aga aga pa, sumayaw muna tayo" pangungulit nya pa

Halata na sa kilos at pananalita nya na lasing na nga sya.

"Ivan hindi! Tara na sa dorm" Sabi ko

Aktong aalalayan ko na sya para makalakad na kami pero tinabig nya ang kamay ko

"Huwag ka ngang makulit! Sabing ayoko pa eh.. sige, isa pang kulit mo dyan hahalikan na kita"  sabi nya na ikinalaki ng mata ko

"I-iva–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko

Agad nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko, ang mga kamay nya sa bewang ko at hinila nya ako palapit sa kanya, at hinalikan nya ako....

Gulat na gulat ako sa pangyayari at ni hindi man lang makagalaw, nakamulat pa ang mata ko and I can see him with his eyes closed.

No way, my first kiss....

Nung natauhan ako ay agad ko syang tinulak palayo

"HOW DARE YOU!!!!!" Nagulat ako nung marinig ang sigaw ni Ken at nakita ko syang tumatakbo palapit kay Ivan at agad na sinuntok ito ng pagkalakas lakas.

Napatumba si Ivan sa sahig dahil sa suntok ni Ken

"Ivan!!!!" Sigaw ko

"Ken ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya

Agad kaming naging sentro ng atensyon dahil sa nangyari. Patuloy parin ang banda pero karamihan ay nasa amin ang atensyon

Hindi ako pinansin ni Ken at sinuntok suntok nya pa si Ivan kahit na nakahiga na ito sa sahig

"Ken tama na!!! Wala naman syang ginagawa sayo itigil mo yan!!!" Sigaw ko

"I saw what happened Dein!!! At hindi ko mapapalagpas Ang ginawa nitong manyakis na 'to!!!" Sigaw nya na ikinagulat ko

Inawat na sya nung ibang nanonood. Dumating ang mga peace officer at agad na hinila si Ken at inalalayan si Ivan. Hindi ko alam kung saan sila dadalhin. Nakatingin lang ako sa likod ni Ken na pumapalag pa sa lalaking nakakapit sa kanya.

They started a fight because of me....

Massaki University Series#1: school for magicDonde viven las historias. Descúbrelo ahora