9.5: babysitter

60 0 0
                                    

DEIN'S POV

"Tara pumunta tayo doon!!" Sigaw ko at tinuro yung children's place...

"Tara baby Nathan... Punta tayo doon!!" Sabi ko sa kanya

"Hoy Dein!! Saan na naman tayo pupunta pagod na ako" reklamo ni Ken pero hindi ko sya pinansin

Kanina pa kami naggagala dito sa mall matapos bumili ni Ken ng grocery... Magaling pala syang mag grocery, ang cool lang para sa lalaki yung magaling pumili ng sariwang isda, magandang klase ng manok... Hhaaaayyy.... Kapag ako nakapag asawa ng ganon hindi ko na yon papakawalan....

11:00 na ngayon ng umaga... Kanina pa kami gala ng gala at ngayon ko lang nakita itong lugar na ito at gusto kong iparanas ito kay baby Nathan

May form pa palang fi-fill upan...

"Ken buhatin mo muna si Nathan" Sabi ko

"What?! At bakit naman?! Bakit ko-" hindi ko na sya pinatapos at binigay ko na ang bata

Subukan nyang ibaba yon humanda sya sakin!!

Finill upan ko na ang form kaya nakapasok na kami...

Agad kong kinuha kay Ken yung bata.

"Yehey!!! Baby Nathan tignan mo yon oh... Tara punta tayo don!!" Sabi ko at pumunta kami dun sa puno ng bola...

Tumatawa si Nathan kaya Natawa na rin ako...

"Kailan ba kayo matatapos sa date nyo? Naiinip na ko maging third wheel" Sabi ni Ken

"Ayaw mo kasing makipaglaro kaya naiinip ka" Sabi ko sa kanya

"Kuya oh" Sabi ni Nathan at binigyan ng bola si Ken

"Anong gagawin ko dyan idiot?" Inis na tanong ni Ken kaya binatukan ko sya

"Alam mo namang bata yan tapos sinasabihan mo ng ganyan, kapag naging kagaya ka nya ewan ko na lang" Sabi ko

"Tara Nathan mag slide tayo" Sabi ko

"Yehey!!!" Natutuwang Sabi nya

"Ken abangan mo sya sa dulo ha" Sabi ko at umakyat kami ni Nathan sa hagdan

Paikot ang slide kaya mas exciting.

Hindi ko naman pwedeng pag islide-din si Nathan mag-isa...

Kinalong ko na lang si Nathan at dalawa kaming nag slide

"Weeee!!!!!"

Malapit na kami sa dulo at nakita ko si Ken na nakaabang nga, naku patay...

"Alis!!!" Sigaw ko pero nasa dulo na kami....

Muntik ko nang masipa yung ano nya buti na lang at nakaluhod sya... Okay, ang wierd nito!!!!

No man has ever been this close to me.... Only him!!!!

Nakahawak sya sa magkabilang dulo nitong slide na hindi naman kalakihan, at nakaluhod sya tapos ang mga paa ko ay nasa pagitan ng tuhod nya at sa gitna namin ay si Baby Nathan....

Parang mas maganda yatang hinayaan ko na lang na masipa yung ano nya kesa naman sa ganito....

"Daddy!!!" Sabi ni Nathan kaya umiwas ako ng tingin kay Ken

How insensitive Nathan!!

"U-umalis ka na nga dyan"naiilang na Sabi ko

Agad naman syang umalis ng mas mabilis pa sa alas kwatro kaya nagtalsikan ang mga bolang nandito

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now