40: I'll continue your path

20 0 0
                                    

Someone's POV

Nakaupo ako ngayon habang hinihintay si Mr. Williams na lumabas sa kulungan nya. Dinalaw ko sya rito dahil sa isang importanteng bagay...

Nakita ko na sya at halata ang gulat sa mukha nya nung makita ako. Umupo sya sa harap ko habang ako naman ay walang emosyong nakatingin sa kanya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.." Sabi ko at huminga ng malalim "I'll continue your path" Sabi ko na ikinaliwanag ng mukha nya

"T-talaga? Ipagpapatuloy mo ang plano ko?" Paniniguro nya kaya tumango ako

Agad syang napangiti at napatingin sa ibaba....

Ipagpapatuloy ko ang black magicians... At lahat ng plano nya ay isasakatuparan ko...

May kinuha si Mr. Williams sa bulsa ng pantalon nya at nakita kong isa iyong litrato... Litrato ng batang babae

He's daughter...

Ipinakita nya iyon sa akin...

"Sigurado akong magiging masaya na si Aira ngayon... Dahil magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay nya...." Sabi nya at tumingin ulit sa akin

"Maraming salamat... Salamat at pumayag kang gawin ito... Yun na lang ang tanging hiling ko, ang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko... At pagkatapos ay maari na akong sumunod sa kanya.." halatang may pinipigilan syang luha sa mga mata nya habang sinasabi ang mga iyon....

Gusto kong maawa, but that's not my thing... Gusto ko lang ay patas, at walang masasama na nagtatagumpay...

I will crush them!! The real enemies.....

DEIN'S POV

sabado ngayon at nandito ako sa mall... Hindi kami magkasama ni Ken...

Okay lang naman sa akin yung hindi kami madalas magkita ni Ken. Hindi namin obligasyong makita ang isa't isa and work on our relationship, 'cause even when we're apart, our relationship is still working...

Parang kaibigan lang, kahit hindi kayo nagkaka-usap, o nagkaka-text man lang... alam nyo sa sarili nyong magkaibigan kayo at hindi yun mawawala.

Pumasok ako sa tindahan ng mga damit. Ito ang ipinunta ko rito, mahilig kasi ako sa fashion at gustong gusto ko ang namimili ng mga damit... Ito ang nagpapasaya sa akin... Bukod kay Ken syempre...

Tumitingin tingin ako sa mga dress nung may kumalabit sa akin. Agad akong lumingon sa kung sino iyon at nakakita ako ng babaeng ngiting ngiti sa akin. Base sa hitsura nya ay nasa secondary pa lang sya.

"Kayo po ba si Dein Utsushimi?" Tumango ako, mukhang alam ko na... Isa rin syang tagahanga...

She giggled "pwede po bang magpa-picture?" Tanong nya kaya agad ko syang nginitian

Lumawak ang ngiti nya at nilabas ang phone nya, nagpicture kaming dalawa... Naka dalawang click sya sa phone nya bago muling humarap sa akin...

"Idol na idol ko po kayo... Simula nung mapanood ko kayo sa tv na-encourage po akong maging sundalo..." Sabi nya

I pat her head

"Salamat... Basta huwag kang susuko sa pangarap mong maging sundalo ah..." Sabi ko kaya agad syang tumango habang nakangiti ng malawak

"Sige po mauna na po ako" Sabi nya kaya tumango ako at kinawayan sya

Napangiti na lang ako.... Hindi ko pala nasabi sa inyo... Naibalita nga pala sa tv yung nangyaring gulo sa Massaki University at na-feature ako at si Ken dahil ako yung nagplanong lumaban, si Ken naman dahil sya yung na-kidnap...

Hindi lang naman ako yung na-feature, marami kami ngunit ako yung nag stand out sa lahat dahil sinasabi nilang ako yung dahilan kung bakit nailigtas ang Massaki... I'm fluttered, ang sarap sa pakiramdam...

Naiinis nga si Ken dahil naipakita pa sya sa tv na ganon yung nangyari... Sya pa yung na-kidnap... Hinayaan ko na lang dahil ganon naman talaga sya.

At dahil doon, naging sikat kami. Lalo na't nalaman nilang kami ang nagkatuluyan. Dumami agad ang followers ko lalo na sa Instagram dahil doon ko pino-post ang mga pinagdadaanan namin ni Ken.

Nagbigay pa ako ng speech sa tv dahil natuwa sila sa kagalingan ko. Tumanggi naman si Ken.

At dahil doon may mga naka-discover sa akin at hinihikayat akong mag model. Tumanggi na lang ako dahil hindi pagmo-model ang gusto ko, ang gusto ko ay maging sundalo.

Ayaw rin ni Ken na mag model ako dahil magsusuot daw ako ng mga malalaswa at ayaw nya non. Natawa na lang ako sa protectiveness nya. 

At tuwing nakakakita ako ng fan na na-eencourage ko ay natutuwa ako. Hindi ko akalaing ako ang magiging dahilan para i-pursue nila ang pangarap nila. Hindi ko kailan man makakalimutan na magpasalamat sa kanila dahil ina-admire nila ako, nakaka flutter dahil maraming tao ang nakaka-apreciate sa akin... And I will always love them... Their not just my fans, but also my family...

Massaki University Series#1: school for magicOnde histórias criam vida. Descubra agora