20.5: the promised goodbye

36 1 0
                                    

DEIN'S POV

Nagulat ako sa sinabi ni Ken....

N-nagco-confess ba sya?

"And I hate you" Sabi nya. Napatingin ako sa mata nya

"I hate you Dein!!" Sigaw nya kaya nagulat ako at napatayo

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat pero sinagi nya ang kamay ko at tumayo din sya. Nanlilisik ang mata nya pero nakikita ko sa mata nya na nasasaktan sya... At nasasaktan din akong makita syang ganito...

"K-ken..." That's all I can say

"I hate you Dein! Kasi pakiramdam ko, kaya kong isakripisyo ang lahat para sayo! I will risk anything without hesitation when it comes to you! Anything that I worked hard for.. that's why I hate you.." Sabi nya

Napatungo sya at pinahid ang luhang pumatak mula sa mata nya

Naiiyak na rin ako dahil sa mga sinasabi nya... Hindi ko na sya maintindihan... Ang gulo nya, pero... Nasasaktan din ako para sa kanya...

"Pero kahit ganon, no matter how much I hate you... I know, I will keep on coming back to you" Sabi nya

Bakit ba bigla bigla na lang syang nagiging ganito?! Naguguluhan ako sa kanya

"Kaya sana, ito na ang huling araw na mag-uusap tayo... Gusto ko nang makalaya sayo Dein! Ayaw ko nang maramdaman 'to! Kaya sana, pagbigyan mo ako sa gusto kong mangyari" Sabi nya

Napatingin ako sa mata nya... Pero wala akong mabasang kahit ano, siguro dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko ay hindi ko na magawang mabasa ang nasa isip nya...

"A-ano bang sinasabi mo?" Hindi ko na sya maintindihan

"Layuan mo na ko Dein!! Hindi ako makakalaya kung palagi kang ganyan! Kung palagi mong pinaparamdam sakin na mahalaga ako sayo! Falling in love is insanity and I don't want to be one of those who's being crazy 'cause of love!! That's bullshit! I know you don't want it too... So cooperate with me! Let's stay away from each other 'cause that's what we should be" Sabi nya

Nage-gets ko na ang sinasabi nya... Ayaw na nya... Bumibitaw na sya sa pagkakaibigan namin... Gusto na nyang lumaya sa akin...

Sino ba namang lalaki ang gugustuhing mapalapit sa isang katulad ko? No one of course. That's why I get him now

Napangiti ako ng mapait at tinitigan sya sa mata

"Fine, starting tomorrow, wala ng ikaw at ako... Lalaya ka na sakin... I'm sorry for also letting my guard down and let you get close to me... Now you're suffering... I'm sorry" Sabi ko at tumungo

"I promise na lalayuan na kita..." Sabi ko

Dahan dahan akong tumunghay habang tumutulo ang luha ko at tinignan ko sya sa mata. Nagniningning ang mata nya dahil sa luhang nagbabadya na namang tumulo sa mata nya

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap sya ng mahigpit... This would be the last, kaya susulitin ko na...

Mabilis ang tibok ng puso ko habang yakap ko sya... And I bet he can feel it... And I also can feel his heart pounding rapidly... If only there's another way that won't make us suffer....

I won't deny my feelings anymore... I'm also into him! Gusto ko na rin sya... Pero, ako na mismo ang nagsabi... Hindi ako papasok sa isang relasyon dahil makakasira ito sa pangarap ko at alam kong ganon din sya... Kaya kahit gaano pa namin kagusto ang isa't isa, sadyang hindi kami itinadhana....

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now