23.5: the confession

34 4 3
                                    

DEIN'S POV

"P-Pwede ba tayong mag-usap?"

Napatingin ako kay Ivan nung sinabi nya iyon sa likod ko.

Nagtaka ako kasi parang tensed sya pero sumang-ayon na lang ako kasi wala rin naman akong magagawa.

Dinala nya ako sa loob ng bahay nila Neil, sa isang kwarto. Siguro bedroom ito para sa mga bisita...

"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya

Nagtataka rin ako kasi iba ang kinikilos nya ngayon...

"Hindi ko alam kung paano magsisimula eh..." Sabi nya habang kumakamot pa sa batok.

"Okay lang, ano ba yun?" Tanong ko

Huminga sya ng malalim bago nagsalita

"Nung una kitang makita, alam kong may kakaiba sayo... So I got interested... Tapos, sa bawat kilos mo, you never failed to amaze me..." Sabi nya

Kumunot ang noo ko at bigla akong kinabahan.... Why is he saying all of these in a sudden?

"And then I start to feel something inside me... Kapag kasama kita, masaya ako... At ayokong napapahamak ka... And then I realized..."

Huminga ako ng malalim, parang ayoko nang makinig sa kanya, ayokong marinig ang mga susunod nyang sasabihin...

"I realized na gusto na pala kita. P-promise, sinubukan kong pigilan pero mas lalo lang lumalim yung nararamdaman ko sayo...." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko

Tinitigan nya ang mata ko at nabasa kong sincere nga talaga sya, gusto nga talaga nya ako...

Hindi ko inakalang may isang taong pipili sa akin, at si Ivan pa. Mabait syang tao, at in fact, boyfriend material sya... Pero, kahit sa mga oras na 'to, isa lang ang taong laman ng isip ko, isa lang ang hinihiling kong sana ay kaharap ko at sinasabi sa akin ang mga salitang 'yan, isa lang... Si Ken lang...

"Kaya kung pwede, will you give me a chance to prove my love to you? You already invade my heart, so, will you let me invade yours?" Sabi nya at tumitig sa mata ko....

I can't hurt someone's feelings, but, I also can't sacrifice my own happiness just to not hurt someone else....

Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko alam kung anong gagawin ko....  Napatingin ako sa bahagyang nakabukas na pinto and then, I saw his teary red eyes staring at mine, I can see through it that he's hurting and it almost break my heart...

Binitawan ko ang kamay ni Ivan at hinabol si Ken na biglang umalis nung makita ko...

"Ken!!!!" Sigaw ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto..

IVAN'S POV

Kumakabog ang dibdib ko at nanginginig pa ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Ito na yun, nailabas ko na ang lahat ng lakas ng loob na matagal ko nang iniipon.... Nagniningning ang mata kong nakatitig sa kanya... At hinihintay ang magiging sagot nya....

Umiwas sya ng tingin at napatingin sa pinto... Napatingin din ako doon at nakita ko si Ken na nakatingin kay Dein....

Parang gumuho ang mundo ko sa mga sumunod na nangyari.... at yung kanina kong hinihintay na sagot mula sa kanya...

"Ken!!!" Sigaw nya at lumabas ng kwarto

Napatungo ako at hindi nagtagal ay.... Tumulo ang mga luha ko...

Massaki University Series#1: school for magicNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ