7: explained

71 0 0
                                    

DEIN'S POV

Nandito ulit kami sa training area at ngayon naman ay nasa kwarto kami kung saan tuturuan kaming gumamit ng baril

At katabi ko ngayon si Ken at kanina pa namin pinag-uusapan yung mga black magicians... Dahil wala na naman dito ang limang kahina-hinala...

Si Ivan, Dianne, Kaila, Tyler at Jack

"Alam nyo naman na siguro kung bakit tayo nandito... At dahil mag-isa lang ako, hindi ko kayo kayang turuan lahat... Kaya humingi ako ng tulong sa iba nyong kaklase.... " Sabi ni sir at nagulat ako nung makita ko ang lima naming kaklase na pumasok

Nanlaki ang mata ko at tinignan ko si Ken... Napatingin din sya sa akin ng gulat

"Ito ang dahilan kung bakit minsan ay wala sila... Tinuturuan ko silang gumamit ng baril at ngayon ay hasang hasa na sila... At tutulungan nila akong turuan kayong gumamit ng baril" Sabi ni Mr. Williams

Kung ganon, 'yun pala ang dahilan? So.... Mali ang hinala kong kasapi sila ng black magicians?

"Let's start now" Sabi ni sir kaya nagsi pwestuhan na kami.

Magkalapit kami ni Ken... Simula nung mapag-usapan namin ang tungkol sa black magicians, palagi na kaming magkasama... Ganon lang pala ang paraan para mapalapit kay Ken... Dapat pareho kayong interesado sa isang bagay

Sinuot ko na ang goggles ko at hinanda na ang pistol.

Mabigat pala ito kesa sa inaasahan ko.... Paano pa kaya ang mga malalaking baril? Kaya ko kaya 'yong buhatin?

Nagulat ako nung biglang may humawak sa braso ko mula sa likod at pinuwesto nya ito sa tamang paghawak ng baril

"Ganyan ang tamang paghawak sa baril at kapag umaasinta ka ng kalaban.... You need to take aim with your dominant eye... Hindi ka makakaasinta kung dalawang mata ang gagamitin mo. Kaya kailangan mong hanapin ang dominant eye mo, minsan, kung nasa kanang kamay mo ang baril, kanang mata mo rin ang gagamitin mo... pero hindi sa lahat ng oras ay ganon... Kaya hanapin mo ang dominant eye mo para mas makaasinta ka ng maayos" Sabi nya

His voice on my neck is giving me goosebumps... I know... Kilalang kilala ko ang boses nya... Sya si Ivan

Since nasa kanan ko ang baril, kanang mata ko ang ginamit ko sa pag-asinta ng target. Hindi ko na inalam Kung nasaan ang dominant eye ko dahil hindi ko naman alam kung paano

"And also, you have to focus on the gun not on the target... The target must be blurry but make sure that you can still see it..." Sabi nya

Ganon? Sa baril magfo-focus...

"Eh paano ko matatamaan yung target kung hindi ako naka focus doon?" Tanong ko sa kanya

"Kasi kung sa target ka magfo-focus syempre yun ang titignan mo, kaya hindi mo namamalayan na mali na pala ang pwesto ng baril. Pero kung sa baril ka magfo-focus makukuha mo ang right angle ng baril at matatamaan mo ang target" Sabi nya

Tama nga sya... Kung sa target ako mag fofocus papaling ang baril. Pero Kung sa baril ako magfo-focus, matatakpan nito ang target sa paningin ko and that's the perfect angle para matamaan ko ang target

Naghandana ako at tinutok na ang baril sa target. Huminga ako ng malalim and I slowly pull the trigger

Maraming mga nagpapaputok pero parang nawala ang lahat ng tunog nung maiputok ko na ang baril ko. Nag-islow mo ang paligid at yung bala ko ay unti unting lumalapit sa target

Nanlaki ang mata ko nung makitang tumama ang bala ko sa dummy

"Tumama!!! Ivan tumama!!!" Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko si Ivan

Hindi ako makapaniwala.. unang subok ko pa lang Nakatama na agad ako....

Niyakap nya ako pabalik

"Hindi ka mahirap turuan" Sabi niya

Napatingin ako sa likod ni Ivan at nakita ko si Ken na ang sama ng tingin sa akin. Nakatalikod sa kanya si Ivan

Agad akong natauhan sa ginawa ko at napahiwalay kay Ivan

"S-sorry" Sabi ko

"Ano ka ba okay lang–"

Bang bang bang bang bang bang bang!!!!!

Nagulat ako nung sunod sunod na nagpaputok si Ken sa dummy. Tinignan ko yung dummy nya at nanlaki ang mata ko nung makitang putol na ang ulo nito..

Gulat akong napatingin kay Ken at lahat ng nandito ay gulat din at hindi pa makagalaw...

Binato nya ang goggles nya at nabasag pa iyon sa sobrang lakas.

Tinitigan nya muna ng masama si Ivan bago sya lumabas at umalis

Nakita ko naman si sir na tinitignan yung dummy na naputulan ni Ken ng ulo. Napangiti si sir at napatango tango

"Very good... Marunong na sya kahit wala pang nagtuturo sa kanya... Dagdag points iyon para sa kanya" sabi ni sir

"Okay!! Continue!!" Sigaw ni sir kaya binalik ko ang tingin ko sa dummy na tatamaan ko

Ano kayang nangyari kay Ken at bakit sya nagwala? Although hindi naman imposible 'yon pero bakit biglaan at wala pang dahilan?

Wala nga bang dahilan? Yung tingin nya kasi kay Ivan, galit na galit sya.. and I can see through his eyes na yun ang pinaka nakakagalit na naramdaman nya... Pero bakit naman sya magagalit?

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon