17: dance drama

48 0 0
                                    

DEIN'S POV

"Class, magkakaroon tayo ng dance drama... Lahat ng course at bawat section ay dapat na mayroong representative para sumali sa dance drama. Dito gaganapin sa school natin ang program kaya dapat galingan nyo... So, who's interested to join the dance drama? Ang mga sasali ay magkakaroon ng plus grade... Ang mga sasali magtaas na lang ng kamay" Sabi ni sir

Napatingin ako kay Kim nung magtaas agad sya ng kamay...

"Dein sumali ka na rin! Ikaw din Colleen" Sabi ni Kim sa amin pero agad akong umiling

Ayoko ngang sumali, sure akong maraming manonood non... Hindi naman ganon kalakas ang loob ko eh...

Napatingin ako sa likod at nakita kong nagtaas din ng kamay si Jin... Dalawang kanang kamay ang itinaas nya....

"Sila lang ba?" tanong ni sir

"By the way, ang ip-play nyo pala ay sleeping beauty: once upon a dream" Sabi ni sir

"Oh my God that's very romantic!" Sabi ni Kim

Nagtaasna rin ng kamay si Kaila, Lei at Corbyn.. naaptingin ako kay Ken nanakatingin din pala sa akin

Agad akong nag-iwas ng tingin.. bakit ba sya nakatingin?

Sa pagkakaalam ko, ang dance drama ay parang roleplay, iro-roleplay nyo lang yung napiling movie... Pero dapat yung movie na yon ay more on singing and dancing... Kagaya ng Sleeping beauty. Tapos i-lilip sync nyo yung mga lines.. tapos dapat yung acting nyo ay makatotohanan talaga, walang aarte arte or else matatalo kayo... Every year ginaganap ang dance drama at palaging naglalabanan laban ang apat na prestigious schools sa mundo... Ang may pinaka maraming panalo ay ang Massaki university... yung tatlo pang schools ay ang Howaitonaito Academy sa Japan, Avenger High sa Europe at Hogwarts University sa UK.

"Okay it's final, si Choi, Samson, Toshinori, Zhou, at Lee ang representative ng section natin.." Sabi ni sir

Recess na ngayon at kasama ko si Colleen at Kim at sabay sabay kaming kumakain.

"Sigurado akong magiging busy ako ngayon... Ano kayang role ko? Mahirap kaya?" Tanong ni Kim

"Bakit kasi Hindi kayo sumali?! Wala tuloy akong kasama...." Sabi ni Kim

"Medyo close naman kayo ni Jin diba? Eh kasi naman, nakakahiya kayang umarte sa harap ng napakaraming tao" Sabi ni Colleen

"Natatakot lang kasi kayong mahusgahan... Kung may sabihin sila tungkol sa inyo, edi husgahan nyo rin sila sa isip nyo... Edi patas na kayo diba?" Sabi ni Kim

"Kahit anong sabihin mo Kim hindi mo na kami mapapasali dyan" Sabi ko kay Kim kaya napanguso sya

KIM'S POV

Nandito na kami ngayon sa meeting room. Lahat ng mga sumali sa dance drama ay narito at nakaupo kami sa mga upuan habang nagsasalita sa unahan ang choreographer namin.

Nag-aasign na sya ng mga gaganap ngayon..

"Okay, so ang gagawin natin ay hindi biro. Nakasalalay dito ang pangalan ng paaralan natin kaya dapat pati ang mga karakter na gaganap ay bagay na bagay talaga sa role.." naglakad lakad sya

Mukha syang masungit. Lalaki ang choreographer namin pero halatang mataray sya... Parang kumekembot sa gabi ito ah...

Naglakad lakad sya at nilagpasan nya ako. Ang meeting room ay parang classroom lang din, mas malaki nga lang...

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now