25: Breaking the promise

37 1 1
                                    

DEIN'S POV

Lunes na ulit at simula na ng second grading. Nandito kami sa room. Inaanounce ni sir ang highest to lowest sa overall record namin

"Ang highest sa inyo ay si....." Tinignan ni sir yung record na hawak nya "Ken Shigaraki"

Nagpalakpakan ang lahat nung marinig ang pangalan ng taong ayaw ko nang makita...

"Ang pangalawa ay si Ivan Lewis na sinundan ni Kaila Toshinori, Dianne Morgan, at si Jin Samson" tumigil si sir doon

"The rest ay nasa average ang score at pasang awa" Sabi ni sir at sinara na ang record book nya

Kung ganon nasa average ang grade ko o kaya naman ay pasang awa...

Nandito na kami sa cafeteria, break na namin at magkasama kaming tatlong magkakaibigan

"Grabe hindi halata kay Ken na nag-aaral syang mabuti" Sabi ni Colleen

"Oo, at biruin mo yon? Suspended sya ng 1 week pero sya parin ang highest" Sabi naman ni Kim

"Are we just gonna talk about him? Nakakasawa na yung pangalan nya" Sabi ko kaya natahimik silang dalawa

KIM'S POV

Pinagmamasdan ko si Dein na kumain, ganoon din ang ginagawa ni Colleen...

Haaaayyy... Nag break na nga talaga sila, at ngayon ay nag mo-move on na sya... Gaano kaya kasakit yon? Ako nasa first stage palang... Nitong nakaraan lang naging kami kaya natatakot akong dumating kami sa puntong kagaya nila Dein... Gaano kaya kasakit ang nararamdaman ni Dein ngayon?

Tinignan ko ang cellphone ko nung tumunog ito, nag text si Jin.... One of the highest rin pala itong si Jin... I'm a proud girlfriend!!!

'pakabusog ka ah... Bawal mag diet'

Sabi nya... nu bayan! Wala man lang I love you?

Iginala ko ang tingin ko sa cafeteria at nakita ko si Jin na kasama ang mga kaibigan nya, nakatingin din sya sa akin

Nag finger heart sya sa akin tapos nag kunyaring bumabaril ng sunod sunod....

Ahhhh...(feeling fluttered) He means na binabaril nya ako ng pagmamahal.....

I did the same kaya napangiti sya at nagkunyaring nahimatay....

"Pfff" baliw talaga 'tong si Jin

DEIN'S POV

Gabi na ngayon at nandito ako sa labas at nagpapahangin.... At para na rin umiwas...

Bumukas ang pinto ng dorm kaya napatingin ako dito... And then, nakita ko sya... Si Ken...

Napapikit na lang ako sa inis... Bakit palagi na lang?!!

"D-dein..." Natigilan ako sa pagtawag nya sa akin...

Lumapit sya sa akin kaya dali dali akong tumakbo palayo...

"Dein!!! Dein!!!" Sigaw nya habang hinahabol ako

Napunta ako dito sa bench sa ilalim ng puno, a lot of memories flashed in my head

Napaupo ako dito at nagpahinga....

"Dein" napapikit na lang ako nung nasundan nya ako

"Ano bang kailangan mo?!" Sigaw ko sa knaya

"Dein.... Sorry" Sabi nya at tumungo

Agad na napakunot ang noo ko

"Sorry? Naririnig mo ba yung sarili mo?!" Natatawa na naiinis na sabi ko

"A-alam kong galit ka–"

"Oo galit ako!! Galit ako sayo!" Sigaw ko

Tumayo ako sa harap nya

"Alam kong nangako ako na hindi na ako magagalit sayo. Pero sana naman i-consider mo yung mararamdaman ko! Hindi porket nangako ako sayo eh sasaktan mo na lang ako! Sorry but now, I'm breaking the promise... Simula ngayon hindi na kita kilala" Sabi ko at nag walk out

Saka naman tumulo ang mga luha ko, habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon, parang may bumabara sa lalamunan ko... Nahihirapan akong sabihin pero sinigaw ko parin para maramdaman at matauhan sya na hindi ako laruan, tao din ako, nasasaktan, napupuno.... Masyado nya akong inabuso at hindi ako papayag na maabuso nya ulit ako, sasaktan kung kailan nya gusto...

KEN'S POV

Napaupo ako sa bench at napatungo

Nasaktan ko talaga sya ng sobra.... Ang tanga tanga ko para hindi i-consider yung mararamdaman nya... Bira lang ako ng bira at hindi nag-iisip....

Ang tanga ko!!! Paano kung tuluyan na syang mawala sakin? Mas okay na sakin ang magkaibigan lang kami kesa naman ang tuluyan syang mawala sakin....

But I know, it's never too late... Hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako... 'cause losing you is a torture to me...

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now