30: Truth or dare

32 1 0
                                    

KEN'S POV

Martes ng gabi ngayon at nagtipon tipon ang lahat para maglaro ng truth or dare.

"Ken tara sali ka!" Sigaw sa akin ni Neil na katabi si Colleen.

Katabi naman ni Colleen si Kim na katabi si Jin. Tapos may space doon tapos sumunod na si Dein. Nakaupo sila sa sahig habang nakabilog.

"Tss! Why would I waste my time with some stupid games?!" Galit na tanong ko habang nakaupo sa couch at iniisip kung paano huhuntingin ang mga black magicians

"Ivan sali ka! Truth or Dare" rinig kong pag-aya ni Neil sa kanya

"Sige" agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ivan

Tinignan ko sya at nakita kong katabi na nya si Dein. What?! After she dump you still popormahan mo parin sya?!

Inis akong tumayo at pumunta sa kanila

"Tabi nga!" Sigaw ko kay Ivan at umupo sa tabi ni Dein.

"Akala ko ba ayaw mo?" Tanong ni Neil sa akin

Tinignan ko na lang sya ng masama

"Okay let's start!!" Sigaw ni Kim at pinaikot na yung bote sa gitna

Ang mga sumali dito sa truth or dare ay ako si Dein, si Ivan, si Jin, si Kim, si Colleen, si Neil, si Corbyn, si Lei at si Kaila...

Yung iba ay nakakalat sa kung saan saan and minding their own business

Tumapat yung bote kay Dein

"Truth or Dare?" Tanong ni Kim

"Ahhmm... Truth" Sabi nya

"Nagkabalikan na ba kayo ni Ken?!" Nakangiting tanong ni Kim

"H-ha?! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga naging kami!" Sabi ni Dein

Yeah... Hindi naging kami. We're only friends at kapag nagkaroon ng manliligaw si Dein, dadaan muna sya sakin! I'll make sure na nasa tamang tao sya, at hindi sa taong kagaya ko. 

DEIN'S POV

"Whatever!" Umikot ang mata ni Kim kaya natawa ako

Sunod sunod na silang nagtanong sa akin at nung matapos ay pinaikot nang muli ni Kim yung bote

Tumapat yung bote kay Colleen

"Truth" Sabi ni Colleen

"A-ako yung unang magtatanong!" Sigaw ni Neil

Natawa naman si Kim "go ahead! Wala namang pumipigil sayo" Sabi nya

"Kapatid lang ba– Hanggang kapatid– a-ang ibig kong sabihin.... G-gwapo ba ako?!" Awkward na tanong ni Neil

"Tss!" Tinignan ko si Ken nung gawin nya iyon...

"A-ano ka ba! Lahat naman ng nandito may itsura..  lahat ng lalaki dito gwapo" nahihiyang Sabi ni Colleen

"Yan ang gusto ko sayo Colleen!!" Si Corbyn

"Pero malamang na si Neil lang ang may pag-asa!" Si Lei

Natahimik ang lahat hanggang sa batukan ni Kaila si Lei

"Ikaw talaga kung ano anong kagaguhan ang lumalabas sa bibig mo!" Sigaw ni Kaila sa kanya

Massaki University Series#1: school for magicDonde viven las historias. Descúbrelo ahora