36: vacation

20 0 0
                                    

DEIN'S POV

Pagkatapos ng nangyari ay nagpasya ang Dean na bigyan kaming lahat ng bakasyon para sa nangyari. Nagpasalamat ang Dean sa amin dahil kung hindi kami gumawa ng aksyon ay baka matuloy ang plano ng mga black magicians... Kung ano man iyon...

Hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa nangyari... Ang sabi ni Ken ay masasama ang black magicians, pero mali naman daw ang sinasabi nya.

Hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan pero isa lang ang alam ko, masama si Mr. Williams at dapat lang na nakulong sya...

Tama, pagkatapos ng nangyari ay nakulong si Mr. Williams. At ang mga kasapi ay mapaparusahan, kasama na doon ang mga kaklase namin.

Hindi ko alam kung anong parusa ang ipapataw sa kanila pero siguradong magsisisi sila doon at hindi na uulit pa.

Sabado na ngayon, dalawang araw na ang nakalipas matapos ng nangyari. At nagpasya kaming magkakaklase na magpunta sa beach para makalimutan ang nangyari.

Labis akong natuwa nung magplano si Jin at Kim na magpunta sa beach. Dahil nga president si Jin, karapatan nya ang magdesisyon para sa klase. Pero alam kong kay Kim nanggaling ang suggestion na magpunta sa beach.

Kaya ngayon ay nakasakay na ako sa kotse at patungo na sa beach.

Seven days lang ang pahinga namin at babalik na kami agad sa school pagkatapos non.

Napaka thoughtful ng Dean namin dahil inisip nya na masyado pa kaming bata ngunit nasabak na agad sa gulo. Kaya binigyan nya kami ng pahinga upang makalimutan ang nangyari.

Maya maya lang ay nandito na ako sa beach at nakita ko agad si Kim at Colleen sa lobby ng hotel kung saan kami manunuluyan. Agad akong napangiti.

"Dein!!" Sigaw ni Kim at agad silang tumakbo palapit sa akin.

Niyakap ako ni Kim "I missed you!!" Sabi nya kaya natawa ako

"Dalawang araw lang tayong hindi nagkita 'no" Sabi ko

"Kahit na... Miss parin kita" Sabi nya at humiwalay na sa pagkakayakap

"Ang galing mo Dein, nailigtas mo ang Massaki University" natutuwang sabi ni Colleen

Nginitian ko sya "natin... Niligtas natin ang Massaki University" Sabi ko

"Ano ba? Let's not talk about the past na.. we're here nga para makalimot diba?" Sabi ni Kim kaya natawa ako

"Okay okay... Excited na ba kayo?!" Tanong ko sa kanila

"Of course I'm super duper excited!!!" Sigaw ni Kim habang nagtatatalon talon pa

Colleen just giggled...

"Let's go na!! Nandon na yung iba!!" Sabi ni Kim at hinila na kami ni Colleen papunta sa kung saan

Tote bag lang ang dala ko at lahat naman ng gamit ko ay nagkasya dito.

Nung nandito na ang lahat ay kumuha na kami ng mga kwarto. 11 kaming lahat, hindi kasama ang mga kaklase naming kasapi ng black magicians dahil nasa school sila at hinaharap ang parusa para sa kanila.

Sa iisang kwarto ay dalawa ang mag-ookupa... Ngunit dahil sobra kami ng isa ay may tatlong magsh-share sa kwarto... At Alam nyo na kung sino iyon

This is the list of pairs:
Jin & Lester (the magnet guy)
Corbyn & Lei
Ken & Neil
Lara & Jirou
Kim & Colleen & Dein

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now