2: acquaintance party

140 2 0
                                    

DEIN'S POV

Nandito ako sa kwarto ko... May dorm kaming buong klase, isang bahay na may lobby at mga kwartong sakto sa amin.. tig-iisa kami ng kwarto at may dalawang palapag ito..

Bawat klase ay may kanya kanyang dorm kung saan dun sila mamamalagi tuwing weekdays at makakauwi lang tuwing weekends...

Nakasuot ako ng simpleng puting bestida na abot sa pulso ang manggas at hanggang tuhod ang haba. Pinartneran ko ito ng simpleng puting sandals...

Ang mahaba kong huhok ay nakalugay lang...

May kumatok sa pinto kaya lumapit ako doon at binuksan ito.. tumambad sa akin si Kim na nakasuot ng sleeveless dress na kulay red at si Colleen na naka mint green dress... May salamin parin sya at naka messy bun parin ang buhok nya

"Tara na!" Sigaw ni Kim kaya agad ko syang pinatahimik

Katabi ko lang ang kwarto ni Ken. Naalala ko ang ginawa nya kahapon, nagalit sya sa akin dahil maingay daw kami...

Nasa 1st floor ang kwarto ko. Katabi ko ang kwarto ni Ken at sa kaliwa naman ay ang kwarto ni Neil. Sa kanan naman ni Ken ay ang kwarto ni Dianne

Sa tapat ko naman ang kwarto ni Ivan. At sa kanan nya ay ang kwarto ni Colleen at sa kaliwa ang kwarto ni Jack at katabi ng kwarto ni Jack ang kwarto ni Kaila the rest ay nandoon sa second floor

Ngayon ang acquaintance party namin at papunta na kami sa lugar kung saan gaganapin ang party.

"Shine!!!!! boooogggshhh!!!" Nagulat ako nung biglang magpasabog si Ken sa loob ng kwarto nya

(Shine - Japanese word for die)

"Ano na naman kayang problema nya?" Tanong ni Colleen

Ewan ko... Palagi na lang syang nagpapasabog.. palagi na lang syang galit... Wala na ba syang ibang alam na gawin?


Nandito na kami sa school hall kung saan ginaganap ang party. Nakaupo lang kami at nagkukwentuhan.. may mga nagsasayawan sa gitna... May mga kumakain... At may mga nag-uusap

"Bakit ganon? Hindi ko makita si Jack" Sabi ni Kim

"Sa dami ba naman ng tao dito, hindi mo talaga sila makikita" Sabi ni Colleen

"Pero nakita ko na halos lahat ng kaklase natin.. Lima na lang ang hindi pa" sabi nya

"Sino Sino sila?" Tanong ko

"Si Ivan, si Dianne, si Kaila, si Tyler at si Jack" Sabi nya

"Tara hanapin natin sila" Sabi ko

Boring kasi dito, at saka ayokong makita ang pagmumukha ng laging galit na si Ken... Mas gusto kong mawala sa party kesa ang makita ang nakakunot nyang noo

"Tara!" Excited na Sabi ni Kim at tumayo

Lumabas kami ng hall at nagsimulang maghanap...

Kung saan saan narin kami nakarating at kung ano ano na rin ang napagusapan namin, pero hindi parin namin sila nakikita.. baka nandoon lang sila sa party pero hindi namin napansin. Pero kahit na, ayoko namang bumalik doon eh..

Nasa tapat na kami ng science laboratory at madilim sa part na ito... Wala masyadong ilaw at patay din ang ilaw sa laboratory..

Bigla akong na-curious Kung bakit patay ang ilaw doon kaya lumapit ako doon... Hindi ako napansin nung dalawa at nagtuloy tuloy lang sila sa paglalakad

Habang palapit ako ng palapit sa laboratory ay may naririnig akong bulungan... May tao sa loob at mahina silang nag-uusap! Pero bakit naman? May tinatago kaya sila?

Nasa tapat na ako ng pinto nung may marinig ako

"black magicians?" ano yun?

Black magicians? Ngayon ko lang narinig yon, kasi ang tawag sa aming mga may magic ay magician.. wala pa akong narinig na black magician sa buong buhay ko...

Biglang tumahimik sa loob kaya pinihit ko ang doorknob para pumasok nung bigla itong bumukas.

Nagulat ako. Madilim kaya hindi ko makita kung sino ang nagbukas and I gasped nung bigla nya akong niyakap at nagpagulong gulong kami sa sahig palayo sa laboratory

Nakarinig ako ng pagsabog sa laboratory pero hindi naman malakas... Mas malakas parin ang explosion na lumalabas sa kamay ni Ken

Nasinagan ng kaunting liwanag ang mukha ng taong nasa ibabaw ko, si.... IVAN?!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin

"What are you doing here also?" Tanong ko

Kumunot ang noo nya at dahan dahang tumayo. Nilahad nya ang kamay sa harapan ko at tinanggap ko naman iyon at tumayo

"Nasaktan ka ba?" Tanong nya

Umiling ako bilang sagot

"Anong ginagawa mo don? At bakit biglang may sumabog?" Tanong ko

"Nagpapatulong kasi sa akin yung kaibigan kong taga chemistry pero mukhang palpak kaya sumabog" Sabi nya

"Eh nasan na sya?" Tanong ko at muling tinignan yung laboratory pero hinarangan nya

"Wag mo na syang intindihin... Kaya na nya ang sarili nya" Sabi nya at hinawakan ang pulso ko at hinila palayo doon

Teka... Ano nga ulit yung narinig ko kanina? Nakalimutan ko...

"Teka" pumwesto ako sa harap nya "bakit hindi ka pumunta ng party?" Tanong ko at sinubukan kong titigan ang mata nya para baka malaman ko yung salitang nakalimutan ko pero iniiwasan nya ang mata ko

May tinatago ba sya?

"Hindi ako mahilig sa party. Tara na.." Sabi nya at nauna nang maglakad

Parang may tinatago sya, pero ano naman kaya yun?

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now