28: Back to normal

39 0 0
                                    

DEIN'S POV

Linggo na ngayon at nandito ako sa tapat ng pintuan ng bahay nila Ken....

Yes, we're back to normal... Tapos na yung sakit, naresolbahan na ang lahat.... Ayos na kami.... Magkaibigan na ulit kami....

Nakakatawang isipin na pagkatapos ng lahat, babagsak parin kami sa isa't isa.... He's been my friend... Kaya hindi ko rin matitiis na balewalain sya habangbuhay, he's been my friend, and he'll always be....

Kumatok na ako at agad namang bumukas ito. Bumungad sa akin ang isa sa mga maid nila..

"Ay.... Good morning po miss Dein, si Ken po ba ang hanap nyo?" Nakangiting tanong nung maid

Ngumiti naman ako at tumango

"Oo, nandyan ba sya?" Tanong ko

"Nandoon po sya sa kusina, kumakain ng breakfast" Sabi nung maid at pinapasok ako

Nag thank you ako sa kanya at dumiretso na sa kusina... Nung una akala ko may bata silang bisita dito pero bigla na lang akong natawa nung makitang si Ken pala iyon, at kumakain sya ng cereals...

Sabi ko na nga ba sa kanya 'yon eh!! Todo deny pa sya ah!

Hindi pa nya ako nakikita dahil busy sya sa pagkain ng cereals... Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Napatigil sya sa pagsubo at unti unti akong tinignan...

"What the fuck?!" Napatayo pa sya sa gulat

Natawa na lang ako sa kanya.

"What the fuck are you doing here?!" Sigaw na tanong nya sa akin

"Binibisita ang...." Lumapit ako sa kanya at pinilit na i-tap ang buhok nya kahit nahihirapan akong maabot "baby Ken ko" Sabi ko

Kinuha ko yung cereals nya at yung kutsara... Tinapat ko sa labi nya yung kutsara na may cereals

"Say ahhh....." Natatawa kong Sabi sa kanya

Yung expression naman ng mukha nya ay parang sinasabi na 'what the fuck?!'

Nakarinig ako ng pag tunog ng camera kaya napatingin ako sa kung saan ito nanggaling.... And there, I saw his mom.... Smiling from ear to ear while her camera is focused on us...

"What the fuck mom?! Delete that fucking picture!!!" Sigaw ni Ken

Nung tinignan ko sya ay nakita kong tumatakbo na sya palapit sa mom nya. Pinanood ko na lang sila

Pagkalapit ni Ken sa mom nya habang sinisigawan ito ay isang kaltok na agad ang nakuha ni Ken. Napahawak sya sa ulo nya habang tinitignan ng masama ang mom nya. Sinigawan nya ito ulit kaya naman tinuktukan sya nito gamit ang camera na hawak nya.... Umalis na yung mom nya habang nakangiti at nakatingin sa picture namin ni Ken.

Muli kong tinignan si Ken na bumubulong bulong pa habang bumabalik sa inuupuan nya.... Kinuha nya yung cereals sakin at madalian nya iyong inubos...

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa bilis  ng mga pangyayari, pero isa lang ang nasa isip ko ngayon....

We're really back to normal....

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now