23: Neil's birthday

36 1 1
                                    

DEIN'S POV

Biyernes na ngayon at tapos na ang lahat ng exam namin. Nakatingin lang ako sa kapirasong papel na hawak ko ngayon.

Neil's invitation

Magbi-birthday na si Neil... iniisip ko kung pupunta ba ako o hindi...  Kasi, siguradong pupunta din si Ken...

Bigla kong naalala yung nangyari nung huwebes... Nagkasabay kami sa tren tapos sa braso nya ako humawak, hindi ko alam kung bakit nya yon ginawa at ayoko nang mag-isip pa ng kung ano ano...

Naging kaibigan ko rin naman si Ken. Kaya alam kong kahit papaano ay may kabaitan sa puso nya at alam ko ring kahit sino man ang nasa sitwasyon ko noon ay tutulungan din nya... Maybe?

Nagpagulong gulong ako sa kama ko.

"Bakit mo pa kasi ginawa yon?! Naguguluhan na tuloy ako ngayon!!" Inis kong sabi habang gumugulong gulong sa kama

Tumigil ako at muli kong tinignan ang invitation.

Pupunta ako! I don't want to be rude at ayokong idamay sya sa nangyayari sa amin ngayon ni Ken... kaya pupunta ako doon. Wala akong tataguan...

Naalala ko na naman yung nangyari sa tren at muli akong nagpagulong gulong sa kama, tapos maya maya ay napangiti na lang ako...

Kahit ganon, hindi ko parin maiwasang mapangiti lalo na kung sya ang dahilan... sa simpleng gawain nya lang ay napapangiti na nya ako... Yet nasasaktan nya rin ako...

If you ask me to stay.... I promise to stay forever..... But, if this is what you really want.... I won't get in your way...

Hinihintay ko lang na sabihin nyang, 'hindi ko na kaya, please huwag ka nang lalayo sakin.. bumalik ka na'. Kapag sinabi nga nya yon, hinding hindi na ako aalis sa tabi nya, kahit kailan....

Tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko.... Gabi gabi na lang ganito, bigla bigla na lang tutulo ang luha ko sa paulit ulit at parehong dahilan.... Si Ken...

Ito ang unang beses na umiyak ako dahil sa isang taong ni-hindi ko man lang kadugo... Pero kung papipiliin ako, I'll still choose him over the other guys.... Mas pipiliin kong masaktan kesa palitan sya....

Dahil sa sobrang kalungkutan ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...

Nandito na ako ngayon sa party ni Neil. Sa bahay nila ginanap ang party. Or should I say, mansion... napakalaki ng bahay nila...

"Dein!!! I'm glad you came" Sabi sakin ni Neil. Inaasikaso nya ang mga bisita

"Of course, bakit naman hindi" Sabi ko

"Well, you look beautiful in your white dress" Sabi nya kaya napangiti ako

Favourite color ko ang white kaya most of my outfits are white

"Thank you...." Sabi ko

"Uhm, kahit hindi mo sya hinahanap, sasabihin ko lang na nandoon sya sa loob ng bahay... At nagfe-feeling may-ari na naman..." Sabi nya habang natatawa

"Sige, aasikasuhin ko lang yung iba" sabi nya at umalis na

Napatulala ako sa kanya habang papalayo. Neil naman!!

Napabuntong hininga na lang ako, binigyan nya tuloy ako ng dahilan para hanapin si Ken! Ayoko na nga syang makita kahit ngayon lang eh... Baka kasi may mangyari na naman tapos mas lalo lang akong maguguluhan...

Naglakad lakad ako para makita sina Kim. Sana kasi sina Kim na lang yung tinuro ni Neil sa akin eh..

"Whoa, Dein is that you?" Namamanghang tanong ni Lei sa akin, kasama nya si Corbyn na tinitignan ako mula ulo hanggang paa

Massaki University Series#1: school for magicWhere stories live. Discover now