38: After all odds

22 0 0
                                    

DEIN'S POV

Napakabilis talaga ng panahon, parang kailan lang nung maging kami ni Ken, pero ngayon ay heto kami kasama ang pamilya namin at nagbabakasyon sa Paris, France.

Maraming buwan na ang lumipas at ngayon ay end of school year na... Bakasyon na. Kaya naman magkasama ang pamilya namin dito sa France at nagbabakasyon.

Legal na kami sa pamilya namin, tuwang tuwa nga si tita at tito dahil ako ang unang girlfriend ni Ken. I'm so fluttered, ang sarap sa pakiramdam na boto sayo ang pamilya ng taong mahal mo.

Tapos naging magkaibigan si mama at si tita, dahil nga pareho silang doctor ay nagkasundo sila. Nagkasundo naman si papa at tito sa business. Nung una hindi gusto ni mama at Papa si Ken dahil nga sa ugali nito, pero dahil sa magic ni mama ay na-sense nyang mabait si Ken at walang masamang intensyon, kaya hindi nagtagal ay natanggap rin nila si Ken.

Mahilig maglaro si papa at Ken ng chess dahil sabi ni Ken ay patas daw ang laban. Kapag kasi papa nya ang kalaro ay palagi syang talo dahil sa IQ nito. Kaya mas gusto nyang kalaro si papa dahil nananalo sya.

Naka check in kami sa hotel. Magkasama si mama at papa sa isang room at ganon din ang magulang ni Ken. Magkahiwalay naman kami ni Ken ng kwarto.

19 years old na ako ngayon. Lumipas na ang birthday ko at cinelebrate namin iyon ni Ken at ang pamilya namin ng magkasama....

Hindi ko alam kung saang lupalop nagpunta si Ken. Basta nagpaalam lang sya na lalabas kaya pinayagan ko. Hindi naman ako strict na girlfriend, at hindi lang naman sakin umiikot ang mundo nya kaya hindi ko dapat sya kinokontrol.

Naka suot ako ng maroon na bikini ngayon dahil pupunta ako sa hot spring. Gusto kong magbabad sa hot spring ngayon.

I put on my robe and went to the hot spring.

Pagkapasok ko sa hot spring ay walang tao. Great! Ako lang mag-isa rito...

Tinanggal ko na ang robe na nakabalot sa katawan ko at nagulat na lang ako nung biglang may umahon mula sa tubig at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon...

Si Ken!

Topless sya at itim na short lang ang suot nya. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kanya, hanggang hips nya lang ang tubig kaya kitang kita ko ang V-line nya dahil sa medyo nakababa nyang short.

Nakatingin sya sa baba kaya hindi nya ako napansin. Hinawi nya ang buhok nya and I watch as water cascades down his well toned body.

Napatingin sya sa akin at agad na natigilan. Pati ako ay nagulat rin kaya agad kong pinulot ang robe na nasa sahig at isinuot itong muli sa akin.

"Mamaya na lang ako" Sabi ko at aktong aalis na nung magsalita sya

"No, come here. Join me" Sabi nya kaya agad akong napahinga ng malalim

Dahan dahan akong lumingon sa kanya at nakita kong nakatayo parin sya doon habang nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako at tinanggal muli ang robe na nakabalot sa akin. Dahan dahan akong naglakad patungo sa pool at lumusong dito.

Lumapit sa akin si Ken habang matiim na nakatitig sa akin. Nakatingala ako sa mata nya.

First time naming maligo ng magkasama tapos kaming dalawa lang. At hanggang ngayon nakakailang parin na makita syang walang suot pang-itaas.

"7 months na tayong magkasama tapos hanggang ngayon naiilang ka parin sakin?" Tanong ni Ken kaya agad akong napa iwas ng tingin

Sino ba namang hindi maiilang eh sobrang lapit natin sa isa't isa tapos almost naked ka pa...

Massaki University Series#1: school for magicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt