8.5: Caught

66 1 0
                                    

DEIN'S POV

Nandito kami sa clinic ngayon at inaway pa talaga ni Ken yung Nurse dahil gusto nyang sya ang gumamot sa akin

Kaya ngayon ay hinahanda na nya ang cotton buds at nilalagyan nya ito ng betadine

Nakaupo sya sa harap ko lumapit sya ng sobrang lapit at dahan dahang dinampi sa sugat ko ang cotton buds

Masakit pero hindi ako umaray, nasaktan ako pero hindi ako nag react... Dahil nakakatawa ang itsura ngayon ni Ken... Kung umasta sya parang sya ang may sugat eh... Naka ngiwi sya at akala mo ay sya ang nasasaktan...

"Ppfff" pinipigilan ko ang tawa ko

"Anong tinatawa tawa mo dyan ha? Nakakatawa bang nasugatan ka? Natutuwa ka pa don?" Inis na tanong nya sa akin

"Hindi, yung mukha mo kasi parang mas ikaw pa ang may sugat eh" natatawa kong Sabi

"Ikaw na nga ang ginagamot pagtatawanan mo pa ako!! Hoy babae! Wag kang tatawa dyan dahil magsisimula na tayo ngayong gabi" Sabi nya kaya nagulat ako

"ng ano?" Tanong ko

"Patner tayo diba? Kaya sisimulan na natin ang imbestigasyon ngayon" Sabi nya at ginamot muli ang sugat ko

Ilang sandali pa ay tumigil ulit sya

"Ano?" Tanong ko dahil grabe sya makatingin

"Bakit hindi ka umaaray? Wag mo nang pigilan ang sakit, hindi naman kita tatawaging idiot eh..." Sabi nya kaya natawa ako

"Eh hindi nga ako nasasaktan eh.. anong gusto mo pilitin ko?" Tanong nya

"Alam kong nasasaktan ka... Wag mo nang pigilan" Sabi nya

Natawa na lang ako sa kanya

"Ang kulit mo hindi nga ako nasasaktan!" Natatawang Sabi ko sa kanya

"Kailan pa kayo matatapos dyan? Kapirasong sugat lang yang ginagamot nyo oh, yung totoo.. naggagamot pa ba kayo oh naglalandian na lang? Wag nyo na kong idamay sa kalandian nyong dalawa ha, inaantok na ako" Sabi nung nurse

Nako lagot... Kumukulo na naman si Ken

"What did you say idiot?!!! Are you trying– bbbbbssshhhhh" tinakpan ko na ang bibig nya at hinila na sya palabas, though mahirap, kinaya ko para hindi na sya makagawa ng gulo..

"Let go of me!!" Sabi nya at hinila ang kamay nyang hawak ko kaya napatigil ako sa pagtakbo

Tumingin sya sa building kung saan kami tumigil kaya tumingin na rin ako

Military teacher's faculty

Muli kong tinignan si Ken na ngayon ay nakangisi

Ano kayang binanabalak nitong lalaking 'to?


"Sssshhhhh... Baka mahuli tayo" Sabi nya sa akin habang tahimik kaming naglalakad at hinahanap ang kwarto ni sir

"Ikaw ang nag-aya sakin dito eh!" Bulong ko sa kanya

"Ssshhhh!!!" Pagpapatahimik nya sa akin

Binuksan nya ang isang pinto at pumasok doon. Sinundan ko sya

Massaki University Series#1: school for magicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon