Kabanata 1

4.9K 132 13
                                    

Kabanata 1
V.E


"Apo, dalawang araw ka ng nandirito lang sa loob ng bahay. Wala ka bang planong lumabas? Balak nga kitang isama kanina sa merkado, kaso tanghali ka naman kung magising. Kahapon ay inaaya ka ng tiya Nila mo na mamasyal, pero ayaw mo namang sumama." mahabang litanya ni lola Sigrid. Sa himig nga niya ay para bang nakukunsumi na siya sa akin.

Simula kasi ng ihatid ako ni mama rito sa bayan ng Pan De Azucar ay parati akong nakakaramdam ng katamaran. Wala akong ganang bumangon at kumilos. Marahil ay naninibago lamang ako sa malayong uri ng pamumuhay nila rito at sa buhay na kinalakhan ko.

Sa maynila ay gigising ako sa umaga na maraming naririnig na sasakyan at ingay ng mga nagtsitsismisan naming kapitbahay, dito naman ay mga alagang manok ng kapitbahay ang maririnig, para pa nga akong nasa gitna ng kagubatan dahil sa mga huni ng ibon. Napakaaga rin gumising ng mga tao rito. Hindi pa man sumisikat ang araw ay naririnig ko ng abala si lola at tiya Nila.

Masasanay din siguro ako sa paglipas ng mga araw. Kaya lang, ngayon pa lang ay inip na inip na ako. Gusto kong manood ng tv pero napakalabo ng tv ni lola. Nakakainis pa nga, kasi sa tuwing gigising ako ay mga lumang kanta mula sa naghihingalo niyang radyo ang bumubungad sa akin.

"Wala po ba kayong balak na bumili ng bagong tv, la?" tanong ko habang kumakain ng almusal kahit na malapit na ang tanghalian.

"TV? Hindi naman kami mahilig manood ng tv, apo. Kuntento na ako na nakikinig ng mga drama sa radyo."

Napangiwi ako. Not me. I like watching tv, especially when I'm bored.

"Apo, kung naiinip ka. Marami namang pwedeng gawin dito, para abalahin ang sarili mo. Hayaan mo at tuturuan kitang magtanim ng mga gulay sa likod bahay, kapag naani ko na ang iba roon. Kung gusto mo naman ay ipauubaya ko na sa iyo ang pagdidilig ng mga halaman ko riyan sa bakuran, basta gumising ka ng maaga."

Hilaw na ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya.

Speaking of lola's frontyard. Malapad ang bakuran niya. May dalawang puno ng niyog at isang malaking puno ng manga na sa hitik ng bunga ay halos naglalaglagan na ang iba nito sa lupa. Marami rin siyang halaman na hindi ko alam kung ano ang pangalan.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang si lola ay nakaupo sa kawayang sofa sa sala at nagtatanggal ng palay sa bigas na inilagay niya sa bilao.

Wala akong maipipintas pagdating sa pagkain dito. Hindi rin naman kasi ako mapili. Simula nang dumating ako rito ay parati ko ngang hinahanap-hanap ang saging na saba at isinasawsaw ito sa bagoong na ginamos kung tawagin nila, si lola mismo ang gumagawa 'non. Ngayon ko lang natikman ito at ngayon ko lang din nalaman kung gaano ito kasarap.

Katamtaman ang laki ng bungalow house ni lola na pinapalamutian ng mga picture frames ang dingding na sawali. Wala akong makitang picture ni papa noong bata pa ito, puro kasi mga ninuno nila ang mga nasa frame na halos mabura na rin ang mga larawan dahil sa kalumaan.

Nakaseparate ang mga frames na may mga lamang bagong pictures. Hindi nakasabit ang mga iyon, sa halip ay nakapatong ang mga ito sa ibabaw ng antique na drawer. Nahagip nga ng mga mata ko ang isang picture frame roon kung saan nakalagay ang baby picture ko. Ang pinakamalaking frame naman na naroon ay ang family picture namin.

Malamig dito sa loob ng bahay ni lola, kahit na tanghaling tapat at kasagsagan ng tirik na araw. Siguro ay dahil napapalibutan ito ng puno't mga halaman at saka dahil na rin sa bubungang nipa. Presko talaga rito sa bahay, kaya nga lang ay wala talaga akong mapagkaabalahan.

Bago ako mabaliw sa sobrang pagkainip ay tinulungan ko si lola na magtanggal ng palay sa bigas, naging alalay niya rin ako sa pagluluto ng sinigang na bangus, hindi ako makapag presintang magluto dahil hindi naman ako marunong.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now