Kabanata 31

2.3K 109 28
                                    


A/N: Hanggang 40 chapters lang po ang bawat story ng Pan De Azucar series kaya konti na lang at matatapos na ito. Feel free to share your thoughts in the comment section. 😊 I've love to read what's on your mind.

Kabanata 31
Simbolo




"Syb!"

Parang isang musika sa pandinig ang boses ni Severino na tinawag ako mula sa labas ng bakuran namin.

"Sybelle, tandaan mo ang mga bilin ko sa iyo." si lola na seryosong nakatingin sa akin.

"Opo, la. Tatandaan ko po lahat iyon, paano ko hindi makakalimutan iyon, eh kanina niyo pa nga paulit-ulit na pinapaalala sa akin."

Muntik na niya akong hindi payagan kung hindi lang namin siya pinagtulungang kumbinsihin ni tita. Simula kaninang tanghali, pagdating ko galing sa Casa de Escarcega ay kinukulit ko na si lola na mag oovernight ako sa la belleza de la tierra.

Ewan ko ba naman kasi kay lola kung bakit takot na takot siya kapag nababanggit ko ang mga Escarcega at Urquidez.

Nakakatakot naman talaga sila but that's if you did something wrong to them. May ginawa bang hindi maganda si lola, para matakot siya sa kanila?

"Ingat, pamangkin." sabi naman ni tiya na nagbabasa ng pocketbook.

Nginitian ko siya at saka ako tumango at lumabas na ng bahay.

Paglabas ko ay napangiti ako nang makita si Sev. Sa tuwing makikita ko siya ay para bang awtomatiko na lumiliwanag ang buong paligid at gumagaan ang pakiramdam ko. If I'm a flower, Sev is the sun, my source of energy. His love helps me grow.

Tipid na ngiti lamang ang gumuhit sa labi ni Sev nang lingunin niya ako. Taliwas sa madalas na isalubong niya sa akin.

"Wala ka na bang nakalimutan?" malamig na tanong niya.

"Wala na po."

Kinuha ni Sev ang dala kong bag at isinukbit iyon sa likod niya.

Bakit parang may kakaiba sa kanya?

Habang binabaybay namin ang daan patungo sa La belleza de la tierra ay nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni Sev. Walang nagsasalita sa amin dahil hinihintay ko siyang mag kwento, lalo na't bago ako umalis ng Casa de Escarcega ay inaya siya ni Don Octavio na mag-usap.

"Sev, may problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Wala." tipid niyang sagot.

"Kung ganoon, bakit ang tahimik mo? Is it about me?"

"Wala 'to, Syb. Wag mo akong pansinin. Nag-iisip lang ako."

Tumaas ang isa kong kilay. "Nag-iisip? Parang gusto ko yatang mag selos dyan sa iniisip mo, nakakapanibago ka kasi."

Bumuntong hininga siya. Naramdaman ko iyon dahil nakayakap ako sa kanya.

"Whatever it is, sana mamaya kalimutan mo muna iyan. Mag enjoy tayo, Sev. Malay mo, this will be the last time na makakapag bonding tayo ulit, sige ka."

Nag-isang kamay si Sev sa paghawak ng throttle at ang malayang kamay niya ay ipinatong niya sa mga kamay ko na nakapulupot sa katawan niya.




Pagdating namin ng la belleza de la tierra ay kumpleto na palang naghihintay sa lobby ang mga kaibigan namin. Nang makita nila kami ay agad silang nagsitayo.

"Ang tagal niyo." nandito na nga kami ay nagrereklamo pa itong si Redentor.

Humiwalay muna ako kay Sev na dala ang bag ko. Lumapit ako kay Nathalia at excited na inangkla ko ang kamay ko sa braso niya.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon