Kabanata 11

2.5K 114 32
                                    

Kabanata 11
Casa De Escarcega


Napangiti ako nang pasadahan ko ng tingin ang kabuohan ko sa salaming nakabitin dito sa sala. Suot ko ang plain button skirt ko na above the knee ang haba, pinaresan ko ito ng dilaw na fitted shirt na may desenyong bulaklakin at may ruffle naman ang sleeve nito.

"Napakaganda naman ng apo ko." Humahangang puna ni lola sa akin. "Saan ba ang punta mo at bihis na bihis ka?" tanong niya pa habang kasalukuyan kong tinitirintas ang nakapigtail kong buhok.

"Hindi ko po ba nasabi sa inyo na gagawa po kami ng cake ngayon?"

"Oo nga pala!" tumawa siya. "Nakalimutan ko. Hays, matanda na talaga ang lola mo."

"Baka pag ginabi na naman ako ng uwi ay mag-alala na naman kayo, lola. Sabihin niyo na naman po na hindi ako nagpaalam, huh."

"Wag kang mag-alala. Ako ang bahala, ipaaalala ko kay nanay kapag nakalimutan niya." ani tiya Nila na lumabas mula sa kusina. "Heto, dalhin mo."

Kumunot ang noo ko nang iabot sa akin ni tiya ang isang bilao na nakabalot sa silver cellophane at tinalian niya ng plastic straw.

"Ano po ito, tiya?" tanong ko nang kunin ko sa kanya ang bilao.

"Gumawa ako ng biko. Ipatikim mo iyan sa kanila."

Malapad akong napangiti. "Thank you, tiya. Siguradong magugustuhan nila ang biko mo."

"Saan ba kayo gagawa ng cake?" tanong ni lola.

"Doon po sa Case De Escarcega."

"Ano?!" gulat na bulalas ni lola.

"Bakit po parang gulat na gulat kayo?" nagtatakang tanong ko naman.

"Sino ba ang hindi magugulat, Sybelle? Puro mayayamang kaibigan lang ng mga Escarcega ang nakakapunta roon." nakangiting sabi ni tiya.

"Ang akala ko nga po ay sa Villa Escarcega kami gagawa."

"Mas lalong nakakagulat kung doon nga kayo gagawa. Hindi kasi sila nagpapapunta ng kung sinu-sino sa Villa Escarcega. Pribadong lugar nila iyon na tanging mga importanteng tao lang ang nakakarating. Ang teyorya kasi ng marami, doon daw sa Villa nakatago ang mga kayamanan ng Escarcega."

"Ikaw talaga, Nila. Kung anu-anong kinukwento mo sa pamangkin mo, tigilan mo nga iyan." saway ni lola kay tiya.

Napakamot naman ng ulo niya ang tiya ko. "Iyon lang naman ang narinig ko."

"Wag mong ibinabahagi sa pamangkin mo ang mga kwentong sabi-sabi lang ng mga tsismosa riyan."

"Eh, ano ba talaga ang totoong kwento, nay?" si tiya.

"Wala. Wag na nating pag-usapan ang pamilyang iyan."

"Si nanay talaga. Para bang napakalaki ng galit mo sa pamilya, Escarcega? Daig mo pa yata ang mga Urquidez."

Tumigil si tiya sa naninindak siyang tinitigan ni lola.

"Hindi ba pwedeng dito na lang kayo gumawa ng cake?" ani lola na tila nababahala.

Nagkatinginan naman kami ni tiya Nila at pareho kaming pigil sa pagtawa.

"La, paano naman kami makakapag practice dito? Wala naman tayong oven? At saka, mas safe nga po roon sa mga Escarcega, kaya bakit mukha kayong nababahala?"

"Sigurado kasing maraming mamahaling gamit doon. Paano kung may mawala roon at kayo ang mapagbintangan? O kaya ay baka makabasag ka roon? Wala tayong ipambabayad kung nagkataon."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now