Kabanata 35

2.4K 110 17
                                    

Kabanata 35
Kasiyahan



Simpleng shealth dress na kulay itim at may pulang floral pattern ang isinuot ko. Isang beses ko pa lamang itong naisuot dahil napakabihira ko lang umattend ng party. Sa pagkakatanda ko ay sa isang debut ko ginamit ang bestidang ito.

Si tiya Nila ang nag-ayos ng aking buhok. Kinulot niya ang dulo nito at nilagyan ng tig-tatatlong itim na hairpin ang buhok ko sa may bandang sentido. Nilagyan niya rin ako ng kaunting make-up. She didn't put me lipstick. Instead, she applied lipgloss on my lips. Nilagyan niya rin ako ng kaunting foundation at blush on at inayos niya rin ang aking kalat na kilay.

"Anong oras ka ba susunduin ni Severino?" pagtatanong ni lola.

Mula sa aking peripheral vision ko ay nakikita kong pinapasadahan niya ako ng tingin habang naroon siya sa tumba-tumba niya at nag-tatanggal na naman ng palay sa bigas na nasa bilao. Ako naman ay narito sa harap ng mahabang salamin na nakasabit dito sa sala at sinisipat ko ng tingin ang aking sarili.

"Hindi po ako masusundo ni Sev, dadaanan na lamang daw po ako rito ng isa sa mga kaibigan namin." sagot ko.

Abala si Sev dahil party niya iyon, kaya kinausap na lang niya si Amadeus na isabay ako papunta sa Villa Escarcega. Doon kasi gaganapin ang kasiyahan na ipinahanda ni Don Octavio para sa kanya.

Nalalabi na lamang ang oras para mahalin ko ng malaya si Severino. Maybe tomorrow or the day after tomorrow, mangyayari na ang naiisip kong mangyayari.

Napabuntong hininga ako sa harap ng salamin.

I have to enjoy this evening, because this maybe the last night that I will be happy with him.

"Bakit ganyan ang itsura mo, pamangkin? Masisira ang ganda mo kung lagi kang nakasimangot." ani tiya Nila na nakatingin sa reflection ko sa salamin.

"Oo nga naman apo. Ngumiti ka." sang ayon ni lola.

Hilaw naman akong ngumiti sa kanya.

Nakikita ko sa mukha ni lola ang kapanatagan kahit pa alam niyang sa Villa Escarcega ang tungo ko. Marahil ay dahil, nasabi na niya sa akin ang totoo. Tapos na siyang magtago.

Kaya lang, pakiramdam ko ay sa akin napunta ang lahat ng nararamdaman niyang takot at pag-aalala.



Alas-sais pasado nang tawagin ako ni tiya Nila mula sa bakuran. Dumating na raw si Amadeus, kasama si Nathalia.

Nagmano muna ako kay lola bago ako nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Enjoy!" sabi naman ni tiya na nakangiting kumaway sa akin bago ako pumasok sa sasakyan nila Amadeus.

"Para saan ba itong party at invited tayo?" tanong ni Amadeus na nakaupo sa tabi ng driver. Nakasuot siya ng itim na turtleneck at army green na coat.

Nakatutok ang tingin ni Amadeus sa invitation na ibinigay ni Sev sa kanya, isang araw bago mag fiesta.

"I was also wondering why I'm invited here. Pero tuwang-tuwa ang parents ko nang sabihin ko sa kanilang invited ako ng mga Escarcega sa party nila na magaganap sa Villa." sabi naman ni Nathalia na humahaba na ang dating bob cut hairstyle. Sumasayad na kasi ngayon ang dulo ng buhok niya sa kanyang balikat. Nakahairpin lang din ang left side ng kanyang buhok. Ang ganda rin niya sa suot niyang maroon na blouson dress.

"Nakakapagtaka pa dahil masyadong abala si Sev para sa party na ito. Anong kinalaman niya rito, Sybelle?" tanong na naman ni Amadeus na nilingon pa ako.

Nagkibit balikat lamang ako.

Ayokong magsalita. Si Amadeus kasi iyong tipo ng taong madaling makapansin ng mga bagay-bagay. He's a vigilant, marunong din siyang bumasa ng mga tao. Alam niya kung nagsisinungaling ka o hindi. Kaya mas mabuti ng manahimik na lang, masasagot naman mamaya ang mga tanong nila.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon