Kabanata 19

2.3K 101 55
                                    

Kabanata 19
Donya Seraphina

"Redentor, may isa pa akong tanong."

"Ang dami mo ng tanong." nakangiwi niyang sabi na para bang napipika na siya sa akin.

Nginitian ko naman siya. "Isa nalang, please." pinapungay ko ang mga mata ko at pinagsalikop ang aking mga palad. 

"Ano iyon?" napipilitan niyang tanong.

"Ang sabi mo, sa amerika na piniling manirahan ng tiya mo. So, anong dahilan at bumalik ulit siya rito? O talagang bumibisi-bisita talaga siya sa inyo?"

Nagkibit balikat siya. "Simula ng umalis siya rito noon, kahit ang bumisita ay hindi niya ginawa. Kami ang bumibisita sa kanya sa amerika. At ngayon lang siya ulit tumungtong ng Pan De Azucar. Hindi ko alam ang dahilan ng pagbalik niya. Baka gusto lang niyang umattend sa birthday party ko." nakangisi niyang sagot.

Hinampas ko naman siya sa braso niya. "Seryoso kasi, Redentor!"

"Hindi ko nga alam. Pati nga kami ay nagulat sa pagdating niya. Tumawag siya sa papa at ipinaaayos niya ang silid niya sa mansyon, at pagkatapos ay nalaman na lang namin na nasa eroplano na siya at bumabyahe papunta rito sa pinas. Sa ikalawang tawag niya ay sinabi niyang papunta na siya rito sa Pan De Azucar. Mag-iisang linggo na rin siyang narito pero wala siyang ginawa kung di ang mag mukmok sa kwarto niya o kaya ay manigaw at pagalitan ang mga katulong namin sa mansyon, minsan nga ay kami pa ang napagbubuntunan niya ng galit. Ang sabi sa akin ng mama, ang laki raw ng ipinagbago ni tiya, si tiya Seraphina raw kasi ang pinakamabait na taong nakilala niya noon, pero ngayon... naging malupit na ito sa lahat, para bang wala ng bait na natitira sa kanya, naging bato na ang puso niya."

Naging ganoon ang donya dahil sa sinapit ng pag-ibig niya. Hanggang ngayon siguro ay mahal niya pa rin si Virgilio, hindi pa rin nakakalaya sa nakaraan ang donya. Nakagapos ang puso niya sa masalimuot na alaala.

Parang gusto ko tuloy siyang yakapin. Gusto kong alisin sa damdamin niya ang galit na itinanim niya sa kanyang puso. Gusto kong alisin ang sakit at pagdurusang nararamdaman niya.

She's not bad at all, she just loved so much that she lost her self and her pain makes her hate the world.

"Ang seryoso yata ng usapan niyo?"

Napalingon ako sa kaliwa ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Sev. He's so wet.

Nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang gilid. Tumutulo pa sa mukha niya ang tubig sa kanyang buhok na dumaloy sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib, bumaba pa ang butil ng tubig sa kanyang tyan, naglandas iyon sa bumubukol niyang mga muscles doon na sa bawat hinga niya ay lalong nadedepina.

Gosh! Bakit ko sinusundan ng tingin ang butil ng tubig na naglalandas sa katawan ni Severino?

Nag init ang pisngi at nag-angat ako ng tingin. Sinuklay ni Sev ang buhok niya, habang ang mga labi niy ay bahagyang nakaawang at may tumulo pang tubig mula roon.

Napalunok ako. Parang nanuyot bigla ang lalamunan ko.

"Bakit ganyan ka makatingin, Sybelle?" natatawang sabi ni Sev na pumukaw sa kamalayan ko.

Nahihiyang nag iwas ako ng tingin sa kanya. "W-Wala."

"Balik na ako.  Galingan mo, Sevi boy." Nakangising sabi ni Redentor na kasama pa pala namin, nakalimutan ko na siya bigla.

Sinundan namin ni Sev ng tingin si Redentor na humiyaw muna bago tumalon sa ilog at pagbagsak niya ay nagtalsikan ang tubig kay Stefano, Amadeus at Thamar.

"Bakit? Ano bang gagawin mo?" tanong ko kay Sev nang muli akong bumaling sa kanya.

"Huh?"

"Sinabi kasi ni Redentor na galingan mo raw."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now