Kabanata 18

2.4K 114 68
                                    

Kabanata 18
Bawal na pag ibig




Sa nakabukas na itim at bakal na gate ay pumasok dito ang sinasakyan naming tricycle. Hindi tulad ng rancho Escarcega, aspaltado ang daan pagpasok namin sa gate. At kung sa rancho Escarcega ay mga malalawak na paddocks ang bubungad sa iyo. Sa La belleza de la tierra ay isang malawak na golf course sa kaliwang bahagi ang sasalubong sa paningin mo, sa kanan naman ay ang mahabang lawa na kasalukuyang may mga white swan na sabay-sabay lumalangoy, kahit na umuulan.

"Man made lake lang iyan." ani Nathalia.

Gulat na nilingon ko naman siya. "Talaga?"

"Iyon ang sabi sa amin ng ilang staff nitong la belleza de la tierra. Nagpunta kasi kami rito noong nag celebrate si mommy at daddy ng five years anniversary nila." kwento pa ni Nathalia.

Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang main entrance ng la belleza de la teirra. Maganda ang landscape design sa harap nito. Sa gitna ay may malaking fountain na parihaba ang sukat at may puting pintura ang basin.

Pagdating namin sa harap ng main entrance ay napansin ko sa gilid ang isang malaking wooden signage na nakatarak sa halamanan. 'la belleza de la teirra.'  ang una kong nabasa. Nakaukit iyon at ginto ang kulay ng bawat letra, Hotel & Resort naman ang mababasa sa ibaba nito na puti naman ang kulay at mas maliit ng kaunti ang pagkakaukit dito.

Sa likod ng signage ay may tila waterfalls doon na umaagos sa malapad at itim na granite. Ang tubig mula roon ay bumabagsak naman patungo sa isang bilog na koi pond.

Hawak kamay kaming tumakbo ni Nathalia palabas sa sinasakyan naming tricycle at saglit na hinintay namin ang mga kasama rito sa tapat ng pinto, papasok sa loob.

Si Redentor ang pinauna naming pumasok sa loob at pagpasok namin dito ay sumalubong ang malamig na hangin mula sa aircon na bumabalot dito. Napatingin din sa amin ang ilang guest na nakaupo sa lobby at pati ang dalawang receptionist na babae.

"Señorito."

Isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na suit ang lumapit sa amin. Puno ng pag-aalala ang mukha nang makita niya si Redentor. Sa tantya ko ay nasa mid-fifties na ang edad nito.

"Ipakuha mo kami ng roba at tuwalya, Zosimo." ani Redentor na pabagsak na naubo sa itim na leather couch dito sa lobby. Prenteng dumikwatro pa ito at inilahad ang mga kamay sa headrest ng couch.

Agad namang tumalima ang lalaki kay Redentor.

"O, bakit ayaw niyong maupo? Hintayin muna natin ang mga tuwalya at roba na pinakuha ko, para makapag palit na rin kayo ng panligo niyo."

Nakakahiya namang maupo sa couch dahil basang-basa ang katawan namin. Nagbabasa na nga ang makintab nilang sahig dahil sa mga tumutulong kasuotan namin.

"Tatayo na lang kami, mababasa pa namin ang couch." sabi ko.

Nilingon ko ang iba pang stars. Nakatayo lang din sila. Si Stefano na niyayakap ang sarili niya sa lamig, si Thamar na nakahalukipkip, sinusuklay naman ni Amadeus ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok at pasipol sipol naman si Sev na nakapamulsa at nakatayo sa likod ko.

Tumaas ang mga kilay ni Sev nang mahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Nahihiyang nginitian ko naman siya at saka umiling at inilibot ko ang tingin ko sa lobby.

May ilang indoor plants ang nakakalat dito. May malaking chandelier sa gitna ng kisameng may mural ng mga anghel at ang pader ay nababalutan ng puti at kulay alikabok na damask wallpaper. Ang mga couch ay kulay itim at puti, mayroon din malalaking paintings na nakasabit sa dingding, nakalagay sa gold frame ang mga iyon.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now