Kabanata 5

3K 89 6
                                    

Kabanata 5
Panyo

Hindi ako makapaniwala na nagkagusto si Nathalia kay Sev kaysa kay Vincent. Hindi hamak naman na mas ideal na maituturing si Vincent sa Sev na iyon. Pero nagpapasalamat na rin ako na si Sev ang nagustuhan ni Nathalia. At least, sa pagkakataong ito ay hindi ko kahati sa isang lalaki ang kaibigan ko.

Speaking of that Sev. Pinag-iisipan ko na talagang manghingi ng tawad sa kanya bukas, pero paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang pamamahiyang ginawa niya sa akin kanina. Naaalala ko pa kung paano ako tignan ng mga kaeskwela ko na para bang lahat sila ay hinuhusgaan ako dahil sa ginawa ko. Nakakainis. Bakit kasi kailangan niya pa akong kausapin sa lugar na iyon, kung pwede naman niya akong kausapin privately? Talagang intensyon niya na pahiyain ako at humingi ng simpatya sa marami, palabasin sa lahat na masama akong tao. I hate him! Kinasusuklaman kita, Sev!

Napatingin ako sa notebook ko na marami pang kulang na sagot. Hindi ako makapag concentrate kapag naiisip ko talaga ang mga nangyari kanina. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa mga kaklase at kaeskwela ko bukas. First day of school pa lang ay ang pangit na agad ng impression sa akin ng marami. Anong gagawin ko?

Nangalumbaba ako at kinagat ang dulo ng aking lapis at saka napatingin kay tiya Nila na abala sa pamamalansya.

Alas-nuebe pa lang ng gabi pero ang tahimik na ang paligid, tanging mga kuliglig na lamang ang maririnig. Si lola Sigrid nga ay mahimbing ng natutulog sa kanyang silid.

"Tiya, kilala mo si Sev, diba?"

Nag-angat ng tingin sa akin si tiya. "Sev? Iyong gwapong binata ba na suki ko sa carinderia ang tinutukoy mo? Sevi kasi ang tawag namin sa kanya, Severino naman ang totoo niyang pangalan."

"Opo, siya nga iyon, tiya."

"O, bakit naitanong mo siya?"

"Sa school ko rin po kasi siya nag-aaral, pati iyong mga kaibigan niya."

"Oo nga pala, minsan nga ay nakauniporme pa silang kumakain sa carinderia. Teka," tumaas ang isang kilay ni tiya at nagtatanong na tinignan ako. "Bakit parang bigla ka yatang naging interesado sa kanya? Umamin ka, gusto mo si Sevi, no?" nanunuksong sabi niya habang nakangisi ng nakakaloko.

Hindi naman totoo ang sinasabi ni tiya pero naramdaman ko na uminit ang pisngi ko.

"Hindi ko siya gusto! Katunayan ay naiinis ako sa kanya."

"Huh? Bakit naman?"

"Pinahiya niya ako kanina. Malay ko ba na tagapagtanggol pala ng mga naaapi ang grupo niya."

"Tapagtanggol ng naaapi?"

Ikinuwento ko kay tiya ang mga nangyari kanina at sa huli ay tinawanan niya ako.

"Ang judgemental mo naman kasi, pamangkin." aniya. "Tandaan mo na hindi lahat ng taong nananakit, masama."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako muling nagpatuloy sa pagsagot ng natitirang problem solving.

Kahit papaano ay medyo nabawasan din pag-iisip ko tungkol sa nangyari kanina nang maishare ko iyon kay tiya.

"Sybelle, kailan mo pala ibabalik itong panyo ni Vincent? Ang pagkakaalam ko kasi ay sa Pan De Azucar Academia din siya nag-aaral."

Mabilis kong nilingon si tiya at bumaba ang tingin ko sa panyo ni Vincent na pinapasadahan niya.

"Oo nga pala, tiya!" Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang maalala ko si Vincent. Ang mala-anghel nitong mukha. "Muntik ko ng makalimutan, balak ko nga sanang isauli na iyan sa kanya bukas. Kaklase ko po kasi siya."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now