Kabanata 8

2.8K 101 16
                                    

Kabanata 8
Guess who

Linggo ng umaga nang magtungo kami sa simbahan ni lola at tiya Nila. Ngayon ko lang naisip na sumama sa kanila simula nang dumating ako rito noong bakasyon. Hindi naman kasi talaga ako palasimba, kahit noong nasa maynila pa ako. Kapag may okasyon lang o kaya ay may nag-aya at nasa mood ako ay tsaka lang ako nakakapasok ng simbahan. Pero ngayon na nandito na ako sa Pan De Azucar. Baka kagawian ko na ang magsimba tuwing linggo, lalo na't relihiyosa ang lola at tiya ko.

"Arman, sunduin mo kami rito mamaya, huh." bilin ni lola kay mang Arman nang makababa kami sa tricycle nito.

Hindi na kami nagpababa pa sa harap ng simbahan dahil natanaw namin na may dalawang itim at magarang kotse ang nakaparada roon.

"Ang mga Escarcega." ani tiya Nila habang naglalakad kami papalapit sa simbahan.

Nakaramdam naman ako ng excitement sa sinabi ni tiya. Kung Escarcega ang sakay ng dalawang itim na sasakyan, siguradong nariyan si Vincent.

Sa unang sasakyan ay isang matandang lalaki na may hawak na baston ang lumabas. May puti itong balbas at bigote, inaalalayan ito ng isang lalaking naka white polo shirt at itim na pantalon. The old man is wearing white panama hat. Ang puting longsleeve nito ay pinatungan naman ng itim na vest. Puti rin ang suot nitong pantalon at naka itim itong oxford leather shoes. Ito na yata marahil si Don Octavio Escarcega.

Tama nga si Sev. He looks old, pero hindi naman siya mukhang uugod-ugod.

Ilang saglit lang ay sumunod na bumaba sa kotse ang isang matandang babae. Vincent's grandma, I guess. Nakalimutan ko ang pangalan niya dahil hindi siya madalas banggitin ni tiya.

The old lady has a silver white hair and its bun with a simple knot. Kahit na matanda na ay mababakas parin ang taglay nitong ganda na napaglipasan na nga lang ng panahon. Magandang manamit ang matanda, kulay navy blue ang itaas na bahagi ng mahabang bestida niya at ang laylayan naman ay kulay puti. Nahahati ang dalawang kulay ng isang kurbadong dibuho, pati ang manggas ng bestida nito ay paalon din ang laylayan at ang collar 'non ay may puting linya sa gilid.

Lumipat ang tingin ko sa sasakyang nasa likod. Isang pang babae ang lumabas doon na sa tantya ko ay nasa thirty plus na ang edad. May kaunting wrinkles na sa mukha, pero tulad ng matandang sinundan niya. Masisilip pa rin ang ganda ng kanyang kabataan.

"Magandang umaga, señora Marita!" dinig ko na bati sa kanya ng isa sa mga taong bayan.

Kumaway na animo isang artista ang señora at nang ngumiti ito ay nakasisiguro akong nakita ko na iyon. Ganoon ang ngiting taglay ni Vincent.

Sopistikada ang señora. Nakasuot siya ng bestida na kulay abo at lagpas tuhod ang haba na ang manggas ay hanggang siko naman. Nakakabit din sa kanyang kaliwang dibdib ang brooch na may desenyong bulaklak na pula at napapalibutan ng mga perlas. May suot pa siyang stocking na puti at ang ganda ng kanyang beige spool heels. Pansin ko rin na puro perlas ang alahas nito, mula sa hikaw hanggang sa kanyang pulseras.

Sumunod na lumabas ng sasakyan ang isang matipuno at makisig na lalaking may bigote. Mas kamukha ni Vincent ang mama niya, ngunit hindi maikakailang tatay niya ang lalaking ito dahil pareho silang may mga matang kulay abo at ang buhok nila ay pareho rin na kulay kape. Simple lang ang suot ng tatay ni Vincent. Itim na chino pants at nakatuck in doon ang simpleng brown longsleeve na pang itaas nito.

Akala ko'y si Vincent na ang sunod na lalabas, ngunit nagkamali ako nang isang magandang babaeng ang sumunod na lumabas ng kotse. Mukhang kaedad ko lang ito. Kulay rosas na bestidang bulaklakin ang suot niya at wala iyong manggas. Ang buhok niya ay tuwid at nakalugay na sa tantya ko ay hanggang siko niya ang haba. May suot siyang siyang headband na pula at may maliit na ribbon sa gilid. Mukha siyang napakahinhin na dalaga.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now