Kabanata 13

2.3K 109 36
                                    

Kabanata 13
Nagmamahal


Pagpasok namin sa loob ng Casa de Escarcega ay hindi pa nagpaawat ang mga luha ko na mas lalong nag-unahan sa pagtulo. Dali-dali naman akong dinala ni Vincent sa living room nila.

"Syb, wag ka ng umiyak." pang aalo ni Nathalia sa akin habang hinahagod niya ang likod ko.

"I'll talk to him." si Vincent.

Nag-angat ako ng tingin. "Wag na."

Suminghot ako at pinunasan ko ang luha ko but Nathalia also wiped it with tissue, na inabot ni Vietta.

"Kasalanan ko naman. At saka, tama siya. Pakialamera ako." sabi ko sa kanila.

"Wag mo na lang pansinin ang sinabi niya. Nasabi lang siguro niya iyon sa sobrang inis." ani Vietta na nakaupo sa dulo ng couch. Naka-cross ang mga kamay niya at pati ang kanyang mga binti. "Grabe! Ang bilis niyang magpalit ng mood, parang kanina lang nakikipag tawanan pa tayo sa kanya, tinatanong pa niya kung bakit hindi ka raw namin inayang sumama. Tapos, nagmamadali pa siyang bumalik, kasi inaya namin siyang kumain ng cake. Then suddenly, para siyang bulkan na biglang sumabog. He's scary."

Ganoon naman talaga si Sev. Noong una kaming magkita ay nakakatakot talaga siya. Pero nang magkasama kaming magpastol ng tupa last week, akala ko... hindi ko na siya makikitang ganoon. Na iyon na iyong simula ng pagkakaibigan namin, tapos kanina sinigaw sigawan na naman niya ako at pinahiya. Wala namang masamang nangyari kay Purita para magalit siya ng ganoon sa akin. Pwede naman niya akong kausapin ng hindi niya ako sinisigawan.

Nang kumalma at gumaan na ang pakiramdam ko ay ako na ang mismong nagyaya kay Vincent, Vietta at Nathalia na ipinagpatuloy ang ginagawa naming cake. Nakakahiya na rin kasi na nagdadrama ako sa harap nila, lalo na sa harap ni Vincent.

Pinilit kong kalimutan ang mga nangyari kanina at itinuon na lamang ang atensyon ko sa ginagawa naming cake.

Maganda naman ang pagkakagawa namin ng chocolate cake namin. Hindi kami gaanong nahirapan, kulang nga lang sa lasa ang cake at saka parang napaka-plain. That's why we decided to take another try the next day. Hapon na ulit kami nagkita-kita at dalawang cake ang ginawa namin. Mas maaga pa nga kaming natapos. Iyong isang cake namin ay pinaghati-hatian namin at iyong parte ko ay ipinatikim ko kay lola at tiya na nabitin pa dahil masarap daw.


"Ang cute natin dito!" masayang sabi ni Vietta habang nakatingin sa picture namin kanina sa photobooth. May tig-iisa kaming copy.

Walang klase ngayon kaya palalakad-lakad lang kami dito sa quadrangle, kung saan nakahilera sa magkabilang gilid ang ibat-ibang booth ng ibat-ibang year and section. Kaming mga third year lang yata ang walang mga booth dito dahil may pa cake, free taste naman kami bukas. Bukas rin ay magaganap ang costume and talent portion ng mga kandidato at kandidata sa Mr and Ms. Pan de Azucar Academia.

Sa gitna ng quadrangle ay nakatayo roon ang malaking stage na ginamit kanina sa mass at opening ceremony ng foundation day.

"Bili na kayo, masarap ang coffee jelly namin!"
"Mas masarap ang buko pandan namin, kaya dito na kayo bumili."

Napalingon ako sa dalawang magkatabing booth na tila nagkakaroon ng competition.

Pansin ko na maraming booth ng pagkain kaya mahirap talagang mamili kung saan ka bibili dahil mukhang masasarap ang lahat ng iyon. Mayroon din kariton ng sorbetes, sweetcorn, cotton candy at street foods dito.

Nadaanan na namin ang face paint tattoo booth, message booth at mayroon din Jailbooth na malapit doon sa kubo kung saan ko nakita noon ang stars na may lalaking pinagtutulungan. Nadaanan na rin namin ang pinakapinipilahang booth. Ang Marriage booth na dinadagsa ng mga magkasintahan at mga loveteam ng bawat section. Iyong iba ay mga napagtripan ng mga kaklase at kaibigan.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now