Kabanata 10

2.6K 87 15
                                    

Kabanata 10
Oh! Severino

"Alam mo, feeling ko may inililihim sila Sev." ani Nathalia.

Pabalik na kami ng classroom mula sa thirty minutes lunch break.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ko na kunwaring interesado.

"Kasi parang may iniiwasan siyang mabanggit ng mga kaibigan niya. Hindi mo ba napansin kanina kung paano niya tinignan ng masama si Amadeus at Stefano?"

Napaka-observant talaga nitong si Nathalia, pagdating kay Sev. Ganoon siguro talaga kapag masyado mong gusto ang isang tao. Kahit maliit na detalye, mapapansin mo sa taong iyon. Hindi ko siya masisisi, ganoon din naman ako kay Vincent.

"Parang natural lang naman kasi sa kanila iyon, sapalagay ko." sagot ko.

Ngumiti naman siya at saka inangkla ang kamay niya sa braso ko at hinilig ang ulo niya sa balikat ko.

"Alam mo, ang saya-saya ko!" aniya.

"Bakit naman?"

"Kasi nakatabi at nakasabay kong kumain si Sev. First time iyon, Sybelle. Elementary pa lang kami pinapangarap ko ng makasabay siyang kumain. At kanina, natupad na iyong pangarap kong iyon. Ang sarap sa feeling."

"I'm happy for you." sincered namang sabi ko.

Mariin pa ngang na niyakap ni Nathalia ang braso ko. Kinikilig pa rin siya.

Sana isang araw ay makasabay ko rin si Vincent na kumain. Sana maisipan niya namang kumain sa canteen.

"Class, I want you to form a group with four members. Hahayaan ko kayong mamili ng mga makakagrupo niyo dahil gusto ko, gawin niyo ang ipagagawa ko sa inyo ng kumportable kayo sa isat-isa."

Umingay sa loob ng food-tech room dahil sa anunsyong iyon ng teacher namin.

"Sige na, mamili na kayo ng kagrupo niyo at pagkatapos ay isulat niyo ang pangalan niyo sa one-fourth sheet of paper." sabi pa nito.

Sa gitna ng mga kaklase naming masayang naggugrupo-grupo. Kami ni Nathalia ay napapakamot na lang ng ulo at hindi alam kung kanino kami gugrupo o sino ang dalawang idadagdag namin.

Hindi naman kasi kami masyadong close sa mga kaklase namin. Nakakausap namin sila, nakakakwentuhan din kung minsan, pero iyong label nila sa amin ay sadyang pang-kaklase lang. Iyon bang pag wala na kami sa school ay parang hindi na namin kilala ang isat-isa.

"Nathalia, kulang pa kami ng isa. Dito ka na lang sa amin." yaya ni Mazel, isa sa mga kaklase naming lalaki.

"Ano ka ba! Walang kasama si Sybelle." saway naman ng kagrupo nitong si Rossel.

"Kulang pa tayo ng isa! Sybelle, sama ka na lang sa amin." yaya naman sa akin ni Hannah na kabilang sa ibang grupo.

Nilingon ko si Nathalia at malungkot na nakipagtitigan sa kanya. "Mukhang kailangan na natin maghiwalay."

"No need."

Napalingon kaming dalawa sa lumapit sa aming si Vincent at Vietta.

"Pwede ba namin kayong maging kagrupo ni kuya?" ani Vietta na malawang na nakangiti.

Nagkatinginan muna kami ni Nathalia at saka sabay na tumango.

"Okay, we're complete!" ani Vietta na umabresete kay Nathalia at malapad itong nginitian. Vietta really likes, Nathalia. Iyon ang napapansin ko, simula pa kanina. Pero hindi ako nagseselos.

Pasimple ko na lamang pinagmamasdan si Vincent na seryosong nakatingin sa beeper niya.

Thank you, lord. Kagroupmate ko si crush. Dito lang talaga sa Pan De Azucar nagkakaroon ng katuparan ang pangarap ko. Sana next time talaga makasabay ko na sa pagkain si Vincent.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now