Kabanata 12

2.2K 91 42
                                    

Kabanata 12
Labis

"Finally, nagkita tayo ulit." nakangiting sambit ni Sev na muling lumitaw ang malalim na biloy sa kaliwang pisngi.

Nag-init ang pisngi ko habang nakatingin sa kanya. Naaattract na naman ako sa maganda niyang ngiti. Mabilis pa akong nag iwas ng tingin nang bumaling siya sa akin.

"Bakit magkakasama kayo?" tanong niya pa kay Vietta.

"Kaklase ko kasi sila. Gumagawa kami ng cake sa bahay, first try pa lang namin iyong ginawa namin kanina, hinihintay nga ni kuya na maluto, eh." si Vietta.

"Para saan iyong cake?"

"Iyon ang assignment namin sa food tech, para sa foundation day." si Nathalia naman ang sumagot, kaya sa kanya naman tumutok ang paningin ni Sev. "Kung sino ang may pinakamasarap na magagawang cake, exempted sa long quiz at narrative report."

"Ayos 'yan." tumango tango si Sev. "Dapat galingan niyo." sabi niya pa habang nakapamaywang at tila proud na ibinabalandra ang kanyang magandang katawan.

Para siyang walang paki na may mga babaeng nasa harap niya at nakikita ang hubad niyang katawan.

"Oh, sheep!" bulalas ni Sev nang mapatingin siya sa mga alaga niyang tupa na nakakalayo na. "Maiwan ko na kayo, iniiwan na ako ng mga anak ko." natatarantang paalam niya sa amin.

Mahinhing tumawa si Vietta at Nathalia na sinundan ng tingin si Sev. Napangiti rin ako at saka bumaling ang tingin ko sa maliit na kamalig, inaalala si Purita na hindi ko nakitang inilabas ni Sev.

"Sama tayo kay Severino!" yaya ni Vietta sa amin.

"Sige!" sang-ayon agad ni Nathalia. Ayan pa, eh sabik na sabik 'yan makasama si Sev.

"Dito na lang ako." sabi ko naman.

"Why?" si Nathalia at Vietta na namumungay ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Baka kasi hanapin tayo ni Vincent. Mabuti na ang nandito ako."

Si Purita talaga ang dahilan kung bakit gusto ko magpaiwan, pero magandang ideya nga rin ang ibinigay kong rason. Ngumisi pa nga sa akin si Nathalia na para bang may iba siyang iniisip sa pagpapaiwan ko. Alam niya kasi kung gaano ko kagusto si Vincent.

"Maiwan ka na namin, Sybelle." paalam ni Vietta na hinila si Nathalia at patakbo nilang sinundan si Sev.

Huminga ako ng malalim pag-alis nila.

Mabuti na rin na nagpaiwan ako. Para kasing nagbabara ang daluyan ng hangin sa dibdib ko, dahil sa presensya ni Sev. Nahihirapan akong huminga pag nakikita ko si Severino. Ganoon pa man ay may bahagyang paghihinayang sa akin na hindi ako sumama sa kanila.

Ang weird ng ganitong pakiramdam.

Tumingala ako sa payapang asul na kalangitan, kasunod ng malakas na pag ihip ng hangin at ang pagpasok ni Purita sa isip ko.

Si Purita.

Patakbo akong pumasok sa kamalig at sabik na tinungo ang dulong kulungan kung saan naroon si Purita, kasama ang kanyang ina at tatlo pang kapatid. Natukoy ko agad kung sino si Purita dahil bukod sa mas malaki ito sa tatlong kapatid ay mayroon din itong pulang collar.

Mahimbing na natutulog ang mga kapatid ni Purita sa tabi ng kanilang ina, si Purita naman ay gising at nasa kabilang sulok ng kulungan nila.

"Hello, there." bati ko rito na mula sa pagkakahiga ay bigla itong bumangon at tila natutuwang lumapit sa akin.

"Kawawa ka naman, hindi ka isinama ng tatay mo. Gusto mong lumabas kasama ko?" hinaplos ko ang manipis at maiikli pang balahibo ni Purita.

Hindi ako mahilig makipag usap sa mga hayop. Wala nga akong hilig sa aso't pusa. Pero dahil sa cuteness ni Purita ay hindi ko maiwasang makipag-usap dito. Para kasing nakikipag usap din siya sa akin.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now