Kabanata 27

2.4K 119 44
                                    

Kabanata 27
Karapatan

Mabilis na lumipas ang mga buwan at araw at hanggang ngayon ay pursigido pa rin si Sev sa panliligaw sa akin. Although, sa pagdaan ng mga buwan ay pakiramdam ko, nabingwit na niya ang puso ko. Kulang nalang talaga ay ang matamis kong oo.

At sa bawat araw na dumaragdag at nagkakasama kaming dalawa ay mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya.

Ang problema lang talaga ay hanggang ngayon, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay lola Sigrid at tiya Nila ang tungkol sa ginagawang panliligaw ni Severino sa akin.

Sigurado kasi ako na hindi sila papayag at baka hindi lang kurot sa singit ang ibigay sa akin ni lola, baka makalbo niya pa ako.

Nahihirapan na nga rin akong itago kay lola ang sitwasyon namin ni Sev. Parati kasi ako nitong sinusundo sa bahay kapag papasok at hinahatid pauwi. Minsan ay nakikita ko sa mukha ni lola ang mga nagtatanong niyang tingin sa amin. Mukhang naghihinala na siya.

"La, alis na po ako." nagmano ako kay lola na naghihimay ng talbos ng kamote sa sala.

"Nariyan na si Severino?" tanong niya sa akin nang makalabas na ako.

"Opo." sigaw ko naman.

Malapad na ngiti ang sinalubong si Sev sa akin nang papalabas ako nang bakuran.

"Good morning." Bati ko sa kanya.

It's always good in the morning to see someone as gorgeous as Severino. Makita ko lang siya ay naeexcite na akong simulan ang umaga.

"Mas maganda ka pa sa umaga." sabi naman niya na nagpainit ng pisngi ko.

Habang sumasakay ako sa motorbike ni Sev ay lumabas naman ng bahay si lola.

"Magandang umaga po, lola Sigrid!" bati ni Sev sa kanya.

"Magandang umaga rin, mag-iingat sa pag momotor." bilin ni lola.

"Opo."





"Natatakot talaga ako kay lola. Lagot ako sa kanya kapag nalaman niyang nagpapaligaw ako. Mukha ngang nakakahalata na siya sa atin, Sev." sabi ko habang tumatakbo ang motorbike ni Sev.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, ako na ang magpapaalam sa kanya, tutal...ako naman ang nagpumilit na ligawan ka."

"Hindi papayag iyon, Sev. Kapag nalaman niya na nililigawan mo ako. Siguradong palalayuin na niya ako sa iyo." bumuntong hininga ako.

"Papatunayan ko kay lola Sigrid na mabuti ang intensyon ko sa iyo, Sybelle. Bata pa nga tayo, pero totoong mahal kita. Totoo ang nararamdaman ko sa iyo."

Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Sev.

"Sana, kapag sinabi mo iyan. Bukas ang isip niya para maunawaan tayo."

Kung hindi lang talaga dahil kay lola ay baka ngayon kami na ni Sev.

Walang araw na hindi niya ipinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi niya iyon gaanong pinapakita sa marami, pero nararamdaman ko sa mga kilos niya, sa mga tingin at simpleng mga bagay na ginagawa niya para sa akin.

Dahan-dahan akong bumaba sa motorbike ni Sev nang maipark na niya ito sa parkingan ng mga motor. Hinintay ko siya saglit habang inaayos niya ang pagkakapark dito at saka sabay kaming naglakad sa hallway, habang dala niya ang ilang libro at folders ko.

Ugali pa nga niyang icheck ang written report ko at kapag may nakikita siyang mali ay ipinapakita niya sa akin para baguhin ko.

As usual, marami na naman ang napapatingin sa amin habang naglalakad sa hallway. Nakakailang pero parang balewala lang kay Sev iyon.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now