Kabanata 22

2.4K 114 64
                                    

Kabanata 22
Isang tanong, isang sagot


Mabilis kong nilakad ang hallway dahil sa mga babaeng nakatambay doon na kung tingnan ako ay para bang may ginawa akong masama sa kanila.

Tuwing maglalakad na lang ako rito sa hallway ay may mga nanghuhusgang tingin ang parating sumasalubong sa akin. Mukha akong lilitisin.

Noong una ay nakakaya ko pang balewalain ang mga tingin nila, pero habang tumatagal ay nararamdaman kong mas dumarami ang mga iyon. Mas nagiging matalim ang mga tingin nila na kahit nakatalikod ako ay nararamdaman ko, para bang tumutusok ang mga iyon sa kaloob-looban ko.

Pati si Nathalia ay nakakaexperience din ng ganito. Kaming dalawa. Parati kasi naming kasama ang STARS. Nagsimula lang naman ang lahat ng ito nang mapalapit kami sa kanila.

Pero hindi ko sila sinisisi sa mga nangyayari at hindi ko rin pinagsisisihan na nakilala ko sila

Napahinga ako ng malalim ng maalala ko ang sulat na natanggap ko noong foundation day. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na si Sev ang nagbigay 'non sa akin.

Baka naman, kapangalan lang niya? Hindi lang naman siguro siya ang Severino na nag-aaral dito sa Pan De Azucar Academia? But his name is kinda unique.

At saka, paano naman ako magugustuhan ni Sev? Ang dami namang magagandang babae dyan, pero bakit ako? I'm just a nobody. Wala ngang nagkakagusto sa akin noong nasa maynila ako. Walang pumapansin at minsan, napapagkatuwaan pa ng mga bully sa amin.

But now, magkakaroon ako ng secret admirer na Tinitingala ng lahat? Mapababae man o lalaki.

Sev is out of my league.

"Outch!"

Nagbalik ako sa aking sarili ng bumunggo ako sa kung sino.

"I'm sor---Oh?!"

It's Vincent.

Hindi siya umimik at wala rin akong nakitang kahit anong expression sa mukha niya. Agad din siyang naglakad palayo sa akin.

Muli akong napabuntong hininga.

Kagabi pa ginugulo ni Sev ang isip ko. Oh! Severino.

"Good Morning, Sybelle!" bungad ni Vietta sa akin pagpasok ko ng classroom. Mukhang maganda ang gising niya dahil buhay na buhay ang pagbati niya sa akin.

"Hi, Syb!" bati naman ni Nathalia na nakapangalumbaba sa upuan niya. Narito na rin pala siya.

Nginitian ko siya at nang bumaling ang tingin ko sa upuan ko. Isang puting sobre ang nakita ko sa arm chair ko, nakaipit iyon sa dalawang pirasong lala at isang plastic ng choc nut.

"Ano 'to? Kanino to galing?" tanong ko.

"Malamang sa secret admirer mo." nakangiting sabi ni Nathalia.

Kay Sev?

Dahan-dahan akong naupo sa upuan ko, kahit na nararamdaman ko ang excitement sa mga nakikita ko.

Ang lapad ng ngiti ni Nathalia sa akin at si Vietta naman ay naupo sa upuang nasa harap ko. Nakangiti rin at namumungay pa ang mga mata.

"Basahin mo na!" apura ni Vietta at saka kinuha iyong isang plastic ko ng choc nut.

"Buksan ko na, huh? Pahingi."

"Sige lang." sabi ko naman at saka kinuha ang sobreng nakaipit sa dalawang pirasong lala.

Si Sev ba talaga ang gumagawa nito? Para kasing hindi ko lubos maisip na magsusulat siya ng matalinhagang love letter at may pa choc nut at lala pa.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon