WAKAS

5.9K 158 251
                                    

We are down to the last part. Sa inyong mga sumubaybay sa unang kwento ng seryeng ito. Taos puso akong nagpapasalamat sa pagsuporta niyo, sa mga maiingay na commentors na pinasasaya ako sa mga mala detective theories nila at sa pagbabahagi ng mga thoughts and feelings niyo.

Sana sa susunod na mga storyang gagawin ko ay makasama ko pa rin kayo hanggang sa huling kabanata.

Salamat.

--------------------------
WAKAS


Malakas ang hangin, maaliwas at payapa ang paligid. Prente akong nakahiga sa damuhan, sa ilalim ng puno ng acacia na matatag pa rin na nakatayo rito sa Rancho Escarcega.

Inunan ko ang mga braso ko habang tinatanaw ang asul na kalangitan at ang ulap na animo bulak na lumilipad sa alapaap.

Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na ang nakakalipas at napakarami ng nagbago sa buhay ko, pero ang mga tanawin dito sa rancho ay nananatiling kaaya aya sa mga mata ko.

Though, I lost the best view.

Sa susunod na pasukan ay huling taon ko na sa kolehiyo. Balak ko na kumuha muna ng experience pagkatapos ko grumaduate at saka ko tutuparin ang plano ko na magtayo ng restaurant.

Tuwing bakasyon at holidays ay umuuwi ako rito sa Pan De Azucar. Katulad ngayon, mag iisang linggo na akong nagbabakasyon dito. Mas pinili ko na tumuloy sa Villa dahil mas narerelax ako kapag naririnig ko ang mga alon na tanaw mula sa balkonahe ng silid ko.

Dahil nag-aaral pa ako. Katuwang ni lolo si papa sa pamamalakad ng Escarcega group of company. Si nanay Valeria at tatay Pancho ay tinutulungan din si papa sa pagpapatakbo ng ilan pang sakahan at negosyo ng pamilya. Si Tiya Marita naman ang nag-aasikaso ng mga negosyong naiwan ni tiyo Vicente, balita ko ay tumutulong din si Vincent.

Katulad ko ay nag-aaral din sa central philippine university si Vincent at Vietta. Si Vietta ay madalang ko lang makita, si Vincent ay madalas pero hindi ko naman siya nakakausap. Walang nagbago sa amin ni Vincent, kahit pa alam na naming magpinsan kaming dalawa, pakiramdam ko ay may malaking pader pa rin sa pagitan naming dalawa. Wala akong galit sa kanya, sadyang mabigat lang ang loob ko sa kanya. Sa katunayan ay magkasabay kaming umuwi ni Vietta rito and the day after tomorrow ay dumating naman si Vincent. Ayaw niya talagang makasabay ako.

Napapikit ako nang bigla akong dilaan sa mukha ni Purita.

"Anak ng tupa ka, Purita." natatawang napabangon ako at saka hinagod ko ang makapal na balahibo ni Purita. She's big now.

Hindi ko na siya nakakalong and I miss that day when I'm playing her with Syb.

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko.

Mag-aalas tres na pala. May usapan kami ng mga kaibigan ko na magkikita sa La belleza de la tierra.

"Come on, Purita. Let's go."

Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong dark beige curdoroy na humahapit sa hita ko at medyo maluwag sa bantang binti. Inayos ko ang itim na sinturo ko at saka pinagpagan ko rin ang kulay abong plain longsleeve ko na na itinack in ko ang laylayan sa curdoroy ko. Ang magkabilang manggas naman nitong mahahaba ay itiniklop ko hanggang siko at hinayaang nakabukas ang dalawang butones sa itaas.

Habang naglalakad kami ni Purita ay muli kong naramdaman ang malakas na hangin, kasabay ng pagtunog ng cellphone ko.

"Hello? I'm coming. Pumasyal lang ako saglit sa rancho. Yes, baby. I'll see you later."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now