Kabanata 39

2.9K 112 30
                                    

Kabanata 39
Patawad


"Sybelle!"

Parang may kung anong kabang bumalot sa katawan ko. Bakit ang lakas ng pintig ng puso ko. Bakit kinakabahan ako ng ganito?

Kanina pa ako kinakabahan pero hindi ganitong kaba ang nararamdaman ko.

Nakawala ako sa lalaking panay ang hila ng braso ko at saka nagmamadaling bumaba ng hagdan upang sundan si Sybelle.

"Pre, bantayan mo iyong lalaki! Pababa na dyan!" sigaw ng isang lalaki sa taas.

"Sybelle?" Sigaw ko naman habang nagpabaling-baling ako sa paligid 

And then I saw her. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko at pigil ang aking paghinga nang makita ko siya. Nakahandusay sa sahig, hindi gumagalaw, walang malay. At naroon ang lalaking may pilat, nakaluhod sa harap niya at tulalang nakatingin sa kanya.

"A-Anong nangyari? Anong ginawa mo?" Ngayon ko lang nahanap ang mga salitang gusto kong bigkasin.

Nanghihina ang mga tuhod ko at nanlalabo ang mga mata ko sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

Nag-angat ng tingin ang lalaki. "Wala akong ginawa. Nagkamali siya ng hakbang at mabilis na nalalag mula sa third floor." sabi nito nang tumayo at bakas din ang panglulumo.

Nanghihina man ako ay pinilit ko na bumaba sa natitirang baitang ng hagdan at nagmamadaling lumapit sa kanya, kahit na pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat.

Pabagsak na lumuhod ako sa harap ni Syb. Wala ng kulay ang mukha niya, nangingitim na ang kanyang dating natural na mapupulang labi. Kinapa ko ang pulso niya. Inilapit ko ang tenga ko sa bibig niya upang damhin at pakinggan ang paghinga niya.

Diyos ko.

Nanginginig na inilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya upang damhin ang kanyang puso, pero hindi ko na iyon maramdaman.

"Hindi! Lumaban ka, Sybelle. Wag mo akong iwan."

Nahihilam na ako sa mga luhang panay ang agos sa mga mata ko.

"Sweetheart, please! Dumilat ka!"

Sinubukan ko siyang bigyan ng cardiopulmonary resuscitation. Paulit-ulit hanggang sa tuluyan na akong tinakasan ng pag-asa at umiiyak na hinaplos ang mukha ni Sybelle.

Ang kawawang mahal ko. Hinawakan ko ang kamay niya at humagulgol na hinalikan ko ang likod ng kanyang palad.

Dahan-dahan kong inangat ang katawan niya at niyakap siya. Halos maglupasay na ako sa sahig, paulit-ulit tinatawag ang pangalan niya.






"Tama na ang drama!" wika ng lalaking nababalutan ng balbas ang gilid ng mukha.

Nagpumiglas ako nang hawakan ako ng dalawa pa sa mga dumukot sa amin at inilayo ako kay Sybelle. Sa malamig at walang buhay niyang katawan.

"Alisin mo na iyan, Tiago. Baka mangamoy na iyan mamayang umaga." utos ng lalaking maraming balbas, sa lalaking may pilat.

"Anong gagawin ko?"

"Itapon mo sa ilog, ilibing mo. Ikaw na bahala. Hindi ka ba marunong mag-isip?"

"Anong itatapon? Wag! Pakiusap, wag niyo siyang itatapon."

Nagtawanan ang mga lalaki maliban sa lalaking may pilat na marahang binubuhat ang katawan ni Sybelle.

"Hindi ikaw ang boss dito para utusan kami, hijo." sabi sa akin ng lalaking maraming balbas.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now