Kabanata 14

2.3K 105 63
                                    

Kabanata 14
Friends

"Sapalagay niyo, may laban ang cake natin?" tanong ni Nathalia habang narito kami sa classroom.

Katatapos lang ng cake tasting pero bukas pa magbibilangan ng boto. Nasa safe place na ang mga orange juice box na binalutan ng art paper at ginawang lalagyan ng mga boto.

Last day na rin bukas ng foundation day. Bukas din magaganap ang finals ng Mr. and Ms. Pan De Azucar Academia. Iyon ang main event ng foundation day pero hindi ako naeexcite doon. Wala naman kasi akong kakilala roon, although may representative din naman ang third year doon, hindi ko nga lang kilala kasi galing sa ibang section.

"Magkwento ka na, Syb. Sino iyong nagbigay ng love letter sa iyo? 'tsaka anong sabi niya? Hindi mo ba dala iyong letter?" sunod-sunod na tanong ni Nathalia.

Nandito kami ngayon sa classroom. Nakatambay kasama ang ilang kaklase namin. Bawal pa kasing magpalabas at tinatamad naman maglakad-lakad itong mga kasama ko dahil matindi pa ang sikat ng araw.

"Hindi ko na dinala. Syempre, first love letter ko iyon kaya itatago ko at kung ano man ang nakalagay doon," ngumiti ako. "Akin na lang iyon."

"Ang daya mo!" si Vietta na nakasimangot.

"Sinabi niya kung sino siya kaso number code."

"Oh! Talaga? Anong number? Magaling ako sa ganyan." pagyayabang ni Vietta.

Hilaw akong ngumiti. "Nakalimutan ko."

"Ay, ano ba naman 'yan!"

Ang totoo ay kabisado ko na ang number na nakalagay sa love letter na nakuha ko. Hindi pa lang talaga ako handang alamin kung sino ang nagbigay 'non, kaya ayokong ipakita kahit kanino.

Hindi ko alam kung bakit, pero mas gusto ko na manatili muna siyang walang pangalan. Pakiramdam ko nga, mas masarap sa feeling iyong hindi ko siya kilala. At hinihiling ko na sana, sulatan niya ako ulit.

I like the way he write. Kahit na hindi kagandahan ang sulat niya. Medyo matalinhaga naman iyon na nakakatuwang basahin. Parang sobrang maginoo niya. And to think na, hindi raw talaga siya gumagawa ng letter ay hindi ko maiwasang mabilib sa sarili ko. Imagine, ang isang katulad ko ang magtutulak sa isang lalaki para gumawa ng bagay na hindi naman niya talagang ginagawa. At syempre, mas nakakabilib din sa isang lalaki ang gumawa ng isang bagay na hindi niya ginagawa noon, para lang sa isang babae.

"We need to find who the guy is. Tawagan mo kaya ako mamaya, tapos sabihin mo sa akin iyong number."

Napangiwi ako. Mukhang hindi ako tatantanan nitong si Vietta hanggat hindi ko sinasabi sa kanya iyong number. 

"Wala kaming telepono, Vietta."

"Ay, ganoon. Eh di, sige...bukas na lang. Sulat mo iyong number para di mo makalimutan."

"Vietta, ano kasi...pwede bang wag na lang muna natin alamin ang pangalan niya."

Kumunot ang noo nito. "Why?"

"Hindi pa ako handang makilala siya."

"You don't like him or you already have someone you love?"

Nilingon ko si Nathalia na tahimik lang na nakikinig sa tabi ko.

"Hindi naman sa hindi ko siya gusto. Ang totoo nga niyan, gusto kong makatanggap ulit ng love letter galing sa kanya."

"Iyon naman pala, eh. So, bakit ayaw mong makilala siya?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi pa ako handa. At saka, parang ang awkward kasi kapag kilala ko na siya, tapos...makakasalubong ko siya. Kaya ayoko muna siyang makilala."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now