Kabanata 25

2.6K 119 85
                                    

Kabanata 25
Trust me

Gustohin ko man na tumutol ay hinayaan ko na lang si Sev. Papunta na rin naman kami ngayon sa mga magulang niya.

Sa kulay kahel na kalangitan ay tanaw ko ang mga ibon na matayog na lumilipad ng sabay-sabay. Naaamoy ko na rin ang malamig at panggabing hangin na umihip at dumampi sa balat ko.

Napapikit ako at ninamnam ang kapayapaan ng paligid, habang nakahawak ako sa mga balikat ni Sev.

Ilang saglit pa ay narating namin ang isang malawak at luntiang kabukiran. Maraming magsasaka ang naroon, ngunit katulad ng araw na unti-unti ng lumulubog. Kasalukuyan na rin  umaahon ang mga ito, sa maputik na palayan upang huminto sa pagtatanim.

"Tara, Syb!" yaya ni Sev sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.  Dumaan kaming dalawa sa makitid na pilapil.

"Uy, sino 'yang kasama mo Sev? Nobya mo?" tanong ng isang matandang lalaki na nadaanan namin.

"Hindi pa po." nakangiting sagot naman ni Sev dito. "Sila tatay po?"

"Naroon sa kubo. Mukhang may pinagpupulungan na naman."

Isang kubo sa gitna ng nagtataasang puno ng niyog ang narating namin ni Sev. May apat kaming naabutang nag-uusap usap doon at ang tanging liwanag nila ay ang isang lamparang de baterya na nakapatong sa mesa sa gitna nila. Mukhang mahalaga ang  pinag-uusapan ng mga ito ngunit nang maramdaman nila ang presensya namin ay agad silang tumigil.

Binitawan ni Sev ang kamay ko at agad na lumapit sa matandang babae at lalaki na nakaupo sa gitna at saka nagmano siya sa mga ito.

Kumunot naman ang noo ko. Ang mga iyon ba ang nanay at tatay niya?

"Mauna na ako, Pancho, Valeria. Balitaan niyo na lamang ako bukas." sabi ng isang lalaking may hawak na balanggot.

"Sasabay na ako sa iyo, Alfredo." sabi naman ng isa pang matandang babae.

Nakita kong tinapik si Sev sa balikat ng papaalis na matandang lalaki at nginitian naman ako nito, pati na ng matandang babae.

"Naistorbo ko yata ang usapan niyo." ani Sev sa dalawang matandang naiwan.

"Hindi naman. Paalis na rin talaga kami ng nanay mo."

Nahiya ako nang dumako ang tingin ng tatay ni Sev sa akin. "Sino nga pala ang magandang dalagang kasama mo?"

Nilingon ako ni Sev at kinuha ang kamay ko at saka marahang hinila niya ako palapit sa kanya.

"Nay, tay. Si Sybelle po pala. Nililigawan ko po."

Malapad na nginitian ako ng nanay ni Sev at nag-init naman ang pisngi ko.

Bakit hindi? Pinakilala ako ni Sev sa parents niya as 'Nililigawan'

Ganito ba talaga ka formal sa probinsya kapag ipakikilala ang nililigawan?

"Siya pala ang babaeng ikinukwento mo. Ikinagagalak ka naming makilala, hija. Ako nga pala si Valeria. Ang nanay ni Severino."

Inilahad nito sa akin ang kanyang palad na nahihiyang kinamayan ko naman.

Ano pa kayang ikinukwento nitong si Sev sa parents niya tungkol sa akin?

"Ako naman si Pancho. Tatay ni Severino." inilahad din nito sa akin ang kamay na agad ko rin kinamayan.

Hindi ko ineexpect na matatanda na pala ang mga magulang ni Sev. Marami ng puting buhok ang mga ito at marami na rin silang mga wrinkles. Sa tantya ko nga ay senior citizen na ang mga ito.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now