Kabanata 37

2.3K 96 23
                                    

Kabanata 37
Gone

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa silid ko. Naririnig ko naman mula rito sa loob si mang Arman na nagkukwento kay lola ng mga nangyari kanina.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha at muli kong naalala ang mukha ni Sev kanina. Nakita ko kung paano humupa ang galit sa mga mata niya pagkatapos niya kaming makitang magkayakap ni Amadeus at sabihin sa kanyang tinatapos ko na ang relasyon namin. His solid look turned soft and begging.

Para bang kaya niyang kalimutan ang galit niya wag lang akong mawala sa kanya. My poor, Severino. I have found the right man that can love me unconditionally, but too bad 'cause I'm not the right girl for him.

"Totoo ba ang sinabi ni mang Armando kay nanay kanina? Nagwala raw si Sev sa plaza?" tanong ni tiya habang tinutulungan ko siyang maghanda ng hapunan dito sa kusina.

Siya na nakatayo habang naghihiwa ng baboy. Ako naman na naghihimay ng kangkong. Naroon naman si lola sa sala at tahimik na nanonood ng balita sa tv.

"Nahuli niya kami ni Amadeus na magkayakap. Akala niya ay pinagtataksilan namin siya." sagot ko.

"Nagpaliwanag ka naman?"

"Ang sabi ni Amadeus ay siya na raw ang kakausap kay Sev, pinauwi na niya ako dahil nakakatawag na ng pansin si Sev sa marami, hindi kasi siya kumakalma. Pero bago ako umalis, sinabi ko na rin kay Sev na nakikipaghiwalay na ako sa kanya."

Namilog ang mga mata ni tiya. "Anong sabi niya?"

"Hindi raw siya naniniwala sa mga sinasabi ko, gusto niyang bawiin ko ang pakikipaghiwalay ko sa kanya at tignan ko siya sa mga mata."

Napatigil ako sa paghihimay ng kangkong at muling napaiyak habang nakatingin sa kawalan.

"Hindi ko kaya, tiya. Hindi ko siya kayang tignan, mata sa mata. Sa lahat ng desisyon na ginawa ko sa buhay ko. Ito na yata ang pinakamasakit at pinakalabag sa kalooban ko."

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang pagpalahaw ng iyak ko.

Lumapit naman sa akin si tiya at niyakap ako at saka marahang hinilig ko naman ang ulo ko sa kanyang tiyan.

Maswerte pa rin ako na kahit papaano ay nandito si tiya Nila para damayan ako. Para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. That she will there, listening to my drama.

"Sybelle, lumabas ka dyan! Syb, mag-usap tayo. Kausapin mo ako, please!"

Alas-nuebe pasado na at kapapatay ko lang ng tv nang marinig ko ang boses ni Severino.

Nagkatinginan kami ni tiya na papasok na rin sana sa silid niya. Gabi na at natutulog na si lola. Baka mag reklamo rin ang mga kapitbahay naming nagpapahinga na. Maaga pa namang natutulog ang mga tao rito.

"Labasin mo na." ani tiya na bakas ang pag-aalala sa mukha. "Bilis, Syb. Babantayan ko rito si nanay." aniya.

Tumango ako kay tiya at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Malapad na napangiti si Sev nang makita niya ako. Nakahawak siya sa gate namin. Masamang tingin naman ang isinalubong ko sa kanya.

"Sev, ano ba? Nakakahiya sa mga kabitbahay. Ang ingay-ingay mo. Magagalit pa si lola kapag narinig ka niya at nalamang nandito ka."

"Papasukin mo ako. Mag-usap tayo, kahit sandali lang, Syb."

Namumungay ang mga mata niya at nasa himig ang pagsusumamo, habang nakatingin siya sa akin. Kahit na kayumanggi ang balat ni Severino ay medyo namumula ang kanyang pisngi. Mukha siyang nakainom.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now