Kabanata 4

3K 89 15
                                    

Kabanata 4
STARS

"Patikimin mo na ang isang iyan ng magtanda." dinig kong sulsol ng isa sa apat na lalaki.

"Kaya nga, Sev. Hindi pa kasi nakakatikim, kaya umuulit." dagdag pa ng isa sa mga ito.

Nakatalikod kasi sila kaya hindi ko alam kung sino ang nagsasalita.

"Matapang lang kayo dahil lima kayo!" palaban na sabi naman ng lalaking pinagtutulungan nila.

Muli akong kinilibutan nang makita ko na ngumisi ang lalaking kumain noon sa carinderia ni tiya. Ganoon na ganoon ang naramdaman kong kilabot nang magkaroon kami ng eye contact sa carinderia ni tiya.

Nakita ko rin ang pag-igting ng panga nito at saka muling hinarap ang lalaking kinukwelyuhan niya at parang hangin na dumapo ang kamao nito mukha ng kawawang lalaki na bumagsak sa lupa.

Hindi tama ang ginagawa nila. Maling pagkaisahan nila ang isang walang kalaban-laban.

Nagmamadali akong tumakbo palayo sa mga ito at hinanap si Vincent. They need to know about it, kawawa naman ang lalaking binubugbog ng limang lalaking iyon. Wala akong pakialam kung saksakan pa ng gwapo ang isa sa kanila. They need to be punished.

"Vincent!" Hinihingal kong hinawakan si Vincent sa braso nito nang maabutan ko siyang naglalakad patungo yata sa canteen dahil iyon ang daan patungo roon.

Nagtataka akong nilingon ni Vincent at ng dalawa niyang kasama.

"Bakit hinihingal ka? What happened?" aniya.

"May nag-aaway." habol ko ang aking hininga. "Pigilan niyo sila. May limang lalaki."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Vincent at pag-igting ng kanyang mga panga. "Sila na naman." anito na tila ba nahulaan na niya ang tinutukoy ko.

"Pinagtutulungan nila ang iyong lalaki...malapit doon sa kubo."

Nagkatinginan si Vincent at ang dalawang lalaking kasama niya at saka sila nagmamadaling tumakbo.

"Bumalik ka na sa classroom, Sybelle!" pasigaw nitong sabi hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Sana ay mapigilan ni Vincent ang grupo ng kalalakihang iyon. Nakikita ko kasi sa mukha ng walang kaawa-awang lalaking iyon, na hindi ito magpapapigil at wala itong kinatatakutan. 

Alam ko na kahit nakatalikod ang ilang lalaking kasama ng lalaking iyon ay pare-pareho silang gwapo, because I have seen them before. Ganoon pa man, masasama ang ugali nila. Nang-aapi sila. They are group of handsome bullies. 

"Sybelle! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinihintay. Akala ko'y naligaw ka na." si Nathalia na bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Sorry. Actually, naligaw nga talaga ako. Hindi pa nga ako nakakapag cr." nahihiyang nagkamot ako ng ulo.

"What?" nababahalang tinignan niya ang wrist watch niya. "Five minutes na lang at mag bebell na." hinawakan niya ako sa wrist ko. "Halika!" sabay hila niya sa akin. "Sasamahan na kita, dapat pala ay sinamahan na kita kanina pa."

Gusto ko sanang ikwento kay Nathalia ang mga nakita ko pero nagmamadali na kaming bumalik sa classroom dahil tumunog na ang bell.

Pagdating sa classroom ay nakasabay pa namin ang professor namin. Napatingin din ako sa upuan ni Vincent at nakaramdam ng pag-aalala dahil wala pa siya.

Paano kung hindi niya naawat ang mga lalaking iyon at pati siya ay binugbog ng mga iyon?

"Wala pa si Vincent, Nathalia." sabi ko.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon