Kabanata 3

3.4K 90 13
                                    

Kabanata 3
CR

Tahimik kong pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng malaking salamin na nakadikit sa pinto ng lumang cabinet na pinaglalagyan ng mga damit ko.

Naninibago ako sa bago kong uniform. Noon kasi ay dirty white at green ang kulay ng uniform ko, ngayon ay puting blouse na may tailored collar. Ang dulo ng collar ko ay may manipis na linyang matingkad na asul ang kulay. Sa kaliwa at bandang dibdib naman ng blouse ko ay nakatahi ang itim na badge na hugis kalasag. Sa loob ng badge ay naroon ang logo at pangalan ng bago kong school 'Pan De Azucar Academia' bumaba ang tingin ko sa palda kong hanggang tuhod ang haba, maraming tupi ito at matingkad na asul din ang kulay. Puting-puti rin ang medyas ko na di naman ganoon kahaba at ang bago kong school shoes ay kumikinang sa kintab.

Muli akong nag-angat ng tingin at ang buhok ko naman ang aking inusisa. Nakabagsak ito at nagsuot lamang ako ng puting headband.

"Sybelle, tapos ka na ba? Nariyan na si Arman para ihatid ka." tawag sa akin ni lola Sigrid mula sa labas ng silid ko.

Dali-dali ko ng isinuot ang bago kong backpack at saka lumabas ng aking silid.

Nakaupo si lola sa kawayang upuan sa sala at umiinom ng kape nang ngitian niya ako at pasadahan ng tingin.

"Bagay na bagay sa iyo ang uniform mo, apo." tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nilapitan ako. "Kay ganda mong bata." aniya nang ikulong niya pa sa kanyang mga palad ang magkabila kong pisngi.

"Alis na po ako." paalam ko naman sa kanya.

"Ang baon mo?"

"Nasa bag na po, la."

"Mag-iingat at magpapakabait. Makinig kang mabuti sa maestra mo."

Tumango lang ako sa bilin ni lola at saka naglakad na palabas ng bahay. Sinulyapan ko pa ang mga halaman ni lola at ang sun flower na itinanim ko isang linggo na ang nakakalipas. Nakakatuwang makita na umuusbong na ang mga dahon nito.

Sa tapat ng bakuran ay naroon na si mang Arman na isang tricycle driver. Ang sabi ni lola ay simula ngayon, ito na ang magiging service ko dahil walang sariling service car ang eskwelahan para sa mga estudyante.

Hindi tulad sa maynila. Walang katraffic traffic dito sa Pan De Azucar, kaya nga lang ay malubak ang daan dito. But then the view is great.

Napakagandang pagmasdan ng luntuin at malawak na kapatagan na unti-unting nasisinagan ng sumisikat na araw. Sariwa at malamig din ang hangin. Sa kapal naman ng hamog ay hindi pa gaanong masilayan ang mga kabundukan.

Napakasipag din ng mga tao rito. May mga nasalubong kaming nagpapastol ng tupa at kambing sa gilid ng daan at sa palayan naman ay nakalusong na ang ilan sa putikan at nagtatanim ng palay. Mayroon din nag-aararo gamit ang kalabaw.

Makalipas ang sampung minuto ay narating namin ang Pan De Azucar Academia. Marami akong nakasabay na estudyanteng bumaba rin ng tricycle, mangilan-ngilan ang nakabisekleta at nakamotorbike, karamihan ay mga naka-kotse.

Private school ang Pan De Azucar Academia. Ito ang nag-iisang pribadong eskwelahan sa bayan ng Pan De Azucar at nasa tapat lamang ito ng malawak nilang plaza.

Pagpasok sa gate ay bubungad ang malawak na school quadrangle. Nakapalibot naman dito ang building na may tatlong palapag. Sa gilid ng quadrangle ay naroon ang mataas na flagpole at winawagayway ng malakas na hangin ang bandila ng pilipinas. Mas malaki ang eskwelahang ito kaysa sa dati kong school.

Nagkalat ang mga estudyante sa bawat sulok ng eskwelahan. Karamihan ay naririnig kong nagkakamustahan.

Habang naglalakad ako sa tila bagong floorwax na corridor ay may mga nasalubong akong nagpapayabangan ng mga bago nilang gamit at nagkukwento tungkol sa kanilang bakasyon. May mga nasalubong naman akong nagtatakbuhan.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now