Kabanata 38

2.5K 101 30
                                    

Kabanata 38
Takas


Wala akong makita nang magkamalay ako, sa wari ko ay nasa malamig at matigas na semento ako. May nakapiring sa mga mata ko. Ang mga kamay ko ay nasa likod ko at nakatali, ganoon din ang mga paa ko. May nakapasak din sa bibig ko.

Bumangon ako at pilit na nagsisigaw kahit puro ungol lang ang nagagawa ko.

"Putangina! Hindi ka ba titigil? Kahit anong gawin mo, walang makakarinig sa iyo rito, babae!" dinig kong sabi ng isang lalaki na mukhang hindi malayo sa kinaroroonan ko.

Nagtawanan ang mga kasama nito at nag echo ang mga halakhak nila sa lugar na kinaroroonan namin.

Muli akong nagsisigaw habang umiiyak.

Natatakot ako. Nasaan si Sev? Anong ginagawa ko rito? Nasaan ako?

"Ang kulit din naman ng ina mo, no? Sinabi ng walang makakarinig sa iyo kahit magsisigaw ka pa. Pinapagod mo lang ang sarili mo kakaatungal mo riyan. Bakit hindi mo gayahin ang kasama mo, tahimik."

Muli silang nagtawanan.

Kasama? Is it, Sev?

Tinawag ko si Sev pero kahit ako ay hindi maintindihan ang sinasabi ko.

"Takot na yatang masuntok kaya hindi na nag-iingay. Tama iyan, bata."

"Mukhang hindi naman maririndi ang tenga natin sa isang 'yan, tanggalin mo nga ang nasa bibig niyan."

Iba-ibang boses ang naririnig ko. Hindi lang iisang tao ang nagsasalita ngayon.

"Pakiusap. Wag na wag niyo siyang sasaktan."

It's Sev. Muli akong napaiyak nang marinig ko ang boses niya.

"Syb, nandito lang ako." Dinig kong sabi niya.

I can hear his voice from the right side.

"Hindi namin sasaktan ang girlfriend mo, boy. Wag kang mag-alala. Hindi namin kayo sasaktan dahil iyon ang utos ng amo namin. Pero dipende pa rin sa inyo kung magiging pasaway kayo. Maikli pa naman ang pasensya ko."

Muli akong sumigaw. Tinatawag ang pangalan ni Sev. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mahawakan. I want to feel safe in his arms.

"Calm down, Syb. Nandito lang ako. Sweetheart, stop crying."

"Aww, ang sweet niyo naman."

"Ano bang kailangan niyo sa amin?" matigas na tanong ni Sev sa mga lalaking dumukot sa amin.

"Kayo ang magdadala sa amin ng limpak limpak na salapi."

"Kung kailangan niyo ng pera, sige. Mananatili ako rito, but please...pakawalan niyo na ang girlfriend ko. Wala siyang kinalaman dito, lolo ko si Don Octavio. Apo niya ako. Kung kailangan niyo ng pera, kakausapin ko si lolo, wag na nating idamay dito ang girlfriend ko, parang awa niyo na."

Girlfriend pa rin ang turing niya sa akin at sa paraan ng pakikipag-usap niya sa mga lalaking narito, ramdam ko kung gaano niya kagusto na protektahan ako.

"Tsaka na natin pag-usapan iyan, pagdating ng boss namin. Siya ang magdedesisyon kung paaalisin namin ang syota mo o mananatili kayong dalawa rito. Dahil ang talagang utos lang ng boss namin ay ikaw lang ang dukutin."

"Kung ganoon ay bakit sinama niyo ang girlfriend ko?" si Sev.

"Mas marami, mas malaki ang kikitain."

"Uy, pre. Tumatawag si boss."

"Hello, boss? Ah, opo. Sinama ko na pati girlfriend.  Eh, ayaw niyo 'non? Mas malaki ang mahuhuthot niyong ransom. H-Hindi naman, boss. Ayun! salamat boss, tom jones na talaga kami eh. Sige po. Opo."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now