Kabanata 29

2.5K 112 31
                                    

Kabanata 29
Gabi

Simula nang maging kami ni Severino ay mas lalong uminit ang mga mata ng marami sa amin. Bawat kilos yata namin ay parating may mga matang nakasunod.

Minsan pa nga, habang nasa cr ako ay naririnig ko na pinag-uusapan ako ng ilang girls. Nilalait-lait at sinasabing hindi raw ako bagay kay Sev. But that doesn't bother me, kahit ano pang sabihin nila. Hindi nila maaalis ang katotohanang ako ang minahal ni Severino.

Dahil sa mga mapanuring mga mata na laging nakatingin sa amin ni Sev. Pinili namin na wag maging clingy sa harap ng marami. Hindi kami nag hoholding hands o naghahalikan sa harap ng maraming tao. Actually, kahit magkasama naman kami ay never pa kaming nagkaroon ng first kiss.

Sev is very careful to take his every action towards me, he's always waiting for my consent. He respect me very much and that's one of the reason why I admired him, since he became my boyfriend.

He never take advantage of me.

Kapag kasama namin ni Sev ang mga kaibigan namin ay kumikilos kami na parang katulad lang ng dati. Hindi niya ako masyadong hinahawakan, pero parati ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin.

Para akong natutunaw sa mga tingin ni Severino, lalo na kung ang mga matang parating nakatutok at palihim na nakikipag usap sa akin ay ang mga mata niyang parating nagpapahayag ng wagas na pag-ibig.

I guess that for now, having connection through the eyes is better than touching and our love don't speak through the mouth, it speaks from the heart.

Parang kailan lang ay pasukan pa lang, ngayon ay mag-iisang linggo na buhat ng matapos ang klase at sa susunod na pasukan ay hindi ko na makakasama si Sev, hindi ko na makakasabay sa pagkain ang STARS. Mawawalan na ng tagapagtanggol ang mga nabubully sa school, maglilipana na ang mga bullies.

Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Para bang napakalaking kawalan ng STARS sa Pan De Azucar Academia, kapag grumaduate na sila.

Huminga ako ng malalim at wala sa sariling hinawakan ang namumukadkad na bulaklak ng sun flower at saka walang ganang diniligan ko ito ng paunti-unti.


"Good morning, sweetheart."

Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong tabo nang marinig ko ang malambing na boses ni Sev mula sa labas ng bakuran namin.

Natatarantang ibinaba ko sa timba ang hawak kong tabo at excited na binuksan ang gate sa bakuran upang papasukin si Sev.

"Nakaabala yata ako." nakangiting sabi niya pagpasok.

Kahit kailan ay hindi ka naging abala sa akin, Severino.

"H-Hindi naman. Nagdidilig lang naman ako at saka, tapos na rin ako."

Napansin ko ang bago niyang gupit na sadyang bumagay sa kanya. Parang mas nadagdagan pa nga ang kagwapuhan niya roon.

"Bagong gupit, huh?"

Nahihiyang ngumiti si Sev at sinuklay ang daliri niya sa kanyang buhok.

"Ayos lang ba?" tanong niya.

"Bagay na bagay. Lalo ka pang gumwapo."

Pinasadahan ko rin ng tingin ang simpleng suot niya. Kulay lumot ang kanyang tank top, malayang nag feflex na naman ang kanyang biceps sa bawat galaw niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang kupas na pantalon, pababa sa suot niyang tsinelas at sa dala niyang puting paperbag.

"Ano iyan?" tanong ko nang inguso ko ang paperbag na dala niya.

Nakangiting itinaas niya naman ang paperbag na hawak. "Iyong isusuot ko mamaya sa grad ball. Hiniram ko kay Red."

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now