Kabanata 26

2.5K 118 43
                                    

Kabanata 26
Pangarap

"Sev, may cassette player ba kayo at saka cassette tape nung I-Swing mo ako ni Sharon Cuneta?" tanong ko habang binabagtas namin ni Sev ang lubak at mahabang palayan.

"May cassette player kame pero wala akong cassette tape na ganoon." aniya.

"Eh, paano tayo mag papractice 'non?" mahinang hinampas ko siya sa braso.

Tumawa naman ng malakas si Sev. "Sige, pag tayo nabangga." babala niya pero naririnig ko pa rin ang mumunti niyang tawa.

"Paano tayo makakapag practice niyan?"

"Hindi naman problema iyon. Alam ko kantahin iyon, kakantahin ko na lang."

Kumunot ang noo ko. "Nagpapatawa ka ba?"

Muling tumawa si Sev. Nakakaasar ang tawa niya.

"Ibaba mo ako. Uuwi na ako! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Severino. Seryoso ako nang pumayag ako sa alok mong tutulungan ako na mag practice."

"Seryoso din naman ako sa iyo, Sybelle."

Nag-init na naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Ayan ka na naman e!"

"Sybelle, trust me with this. Will you?"

Bakit ang sexy mag english ni Severino? O baka namamangha lang ako dahil bihira ko lang siyang naririnig na nagsasalita ng english at isa siyang probinsyano.

Naguguilty talaga ako sa sarili ko dahil ang baba ng tingin ko sa mga taga-probinsya noon.

"S-Sumama ako sa iyo rito dahil may tiwala ako sa iyo." sabi ko kay Sev.

"Wag kang mag-alala, hindi ko sisirain ang tiwala mo. Pangako." aniya.

Muli ay nagtungo kami ni Sev sa bukid nila at kasalukuyang maraming magsasaka ang naroon. May mga kalabaw, baka at kambing na nagkalat.

"Dito tayo magpapractice? Parang hindi ko kaya, Sev. Maraming tao." reklamo ko sa kanya habang inililigid ko ang tingin sa paligid.

Kahit saan ako tumingin ay may mga tao. May mga batang nagsasaranggola pa nga di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Hindi ko rin naman gustong mag practice ng ganito." aniya habang nakakunot ang noo at nililibot ang tingin sa paligid habang nakapamaywang.

Inilagay ni Sev ang kamay niya sa kanyang baba. "Iniisip ko na sa rancho Escarcega na lang tayo, kaya lang ay nakakahiya naman. Kapag ganitong weekdays kasi, pinapakawalan ang mga tupa at kabayo roon. Kaya siguradong may mga tao roon."

"Saan tayo nyan?"

Sinulyapan niya ako. "Pero itry natin doon. Masarap mag practice sa rancho."

"Iyon din nga ang plano namin ni Vincent kanina."

Nakita ko ang paglukot ng mukha ni Sev nang marinig niya ang pangalan ni Vincent.

"Tara." yaya ni Sev na muling sumakay sa kanyang motorbike.

Agad din akong naupo sa likuran niya at hinawakan siya sa balikat.

Pagdating namin sa rancho ay naabutan namin na malayang nakakawala sa kanya-kanyang paddock ang mga alagang tupa at kabayo ng mga Escarcega.

May apat akong natatanaw na naroon. Ang isa ay nasa loob ng paddock ng mga kabayo. Hinihimas ang isang kulay itim na kabayo. Ang isa naman ay naroon sa loob ng paddock ng mga tupa at ang dalawa pa ay abala sa kung anong ginagawa. May tulak na wheelbarrow ang isa, puno iyon ng dayami at naglalakad ito patungo sa kwadra ng mga kabayo. Ang isa naman ay may dalang dalawang maliit na timba at palapit naman sa paddock ng mga kabayo.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora