Kabanata 36

2.4K 118 39
                                    

Kabanata 36
Hindi


Alas-dose pasado na nang ihatid ako ni Severino sa bahay. Inabisuhan ko naman si tiya na ihahatid ako ni Sev. Mabuti na lang at hindi kumontra si lola sa pagkakataong iyon. Ganoon kapanatag ang loob niya kapag alam niyang kasama ko si Severino. Malaki ang tiwala sa amin ni lola.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi." bilin ko kay Sev. "

"Hindi na ako babalik ng villa, kanila nanay ako matutulog." ani Sev.

"Hindi ba magagalit si Don Octavio?" pag-aalala ko.

"Tatawag na lang ako. Masyadong madilim at mahaba pa ang dadaanan pabalik ng villa. Sa tantya ko ay hindi na kakayanin nitong motor ko. Nangangamba ako na baka tumirik akong bigla, mukhang naghihingalo na ito, eh." aniya na nakapamaywang at sinisipat ng tingin ang kanyang motorsiklo.

Natawa naman ako. Matagal naman ng naghihingalo ang bike niya. Ewan ko nga kung bakit hanggang ngayon ay lumalaban pa iyon.

Siguro katulad ko ay ayaw pa ng motorsiklo niya na iwan siya at ipaubaya sa iba.

"Goodnight, sweetheart." ani Sev habang inilalagay niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng hinangin kong buhok.

Pumasok na ako sa bakuran namin at isinara ang kinakalawang naming gate na hanggang dibdib ko lang ang taas.

"Sige na. Pasok ka na, hihintayin kitang makapasok bago ako umalis." ani Sev na ipinamulsa ang kanyang mga kamay at nakatayo ng diretso, habang nakatingin sa akin.

"Mag-iingat ka, huh?" bilin ko ulit sa kanya.

Tumango lang siya sa akin at saka ako tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay namin.

Pagdating ko sa loob ng bahay ay nagulat ako nang maabutan ko si tiya na natutulog sa mahabang kawayang sofa. Marahil ay hinihintay niya ako kaya dito na siya natulog.

"Tiya?" marahan ko siyang tinapik sa braso niya.

Pupungas-pungas na kinusot ni tiya ang kanyang mga mata.

"Ikaw ba iyan, Syb?" Dahan-dahang bumango si tiya mula sa pagkakahiga niya.

"Ako nga, tiya. Bakit dito ka natutulog?"

Humikab siya. "Hinintay kita. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako." aniya habang nagkakamot ng ulo.

"Salamat, tiya. Sorry kung pinaghintay kita. Pasok ka na sa kwarto mo."

Muling humikap si tiya at namumungay ang mga matang tumayo siya. "Pakilock na lang ang pinto. Maiwan na kita."





Kahit na gabing-gabi na ako nakatulog ay maaga pa rin akong nagising ngayong araw. Actually, nasanay na nga ako na gumising ng maaga, kahit walang pasok.

Isa ito sa mga natutunan ko nang dumating ako rito sa bayan ng Pan De Azucar.

Iyon din kasi ang gawiin ng mga tao rito. Maaga silang nagigising para maghanap buhay, katulad ni tiya Nila na sa tuwing gigising ako ay hindi ko na naaabutan dito sa bahay. Alas-tress pa lang kasi ng madaling araw ay nagluluto na ito ng dalawang putahe ng ulam na maingat niyang dinadala sa carinderia niya, kasama si kuya Romeo. Nag-iiwan siya ng almusal namin at pambaon ko sa school na si lola ang naghahanda para sa akin. Pagdating naman ni tiya sa carinderia ay doon na niya niluluto ang ilan pang pagkaing itinitinda.

"Apo,"

Huminto ako sa pagdidilig nang tawagin ako ni lola. Nilingon ko siya at nakita kong papalabas siya ng bahay habang may hawak na bayong.

Between The Stars: The Lost Love (Pan De Azucar Series #1)Where stories live. Discover now